top of page
Search
BULGAR

Bahay ni LTFRB chair Guadiz, pinasok ng mga armado

ni Eli San Miguel - Trainee @News | December 14, 2023




Pumasok nang sapilitan ang higit sa sampung armadong tao sa bahay ni Teofilo Guadiz III, chairman ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), sa Dagupan City, ayon sa transport official ngayong Huwebes.


"While this incident has shaken our family, I remain committed to my responsibilities at the LTFRB, and I am confident that justice will be served. Updates on the investigation will be provided as they become available," pahayag ni Guadiz.


Dagdag ng LTFRB chief, "It seems personal, and the motive remains unclear."


Iniulat ni Guadiz na tatlong sasakyan at higit sa 10 armadong indibidwal ang sangkot sa pangyayari.


Ayon sa ulat ng pulisya sa Dagupan, dalawang sasakyan: isang puting van at isang itim na sports utility vehicle (SUV) ang dumating.


Nasa loob ng bahay ang 91-anyos na babae at ang kanyang kasambahay nang dumating ang mga salarin, na nagsabing magbibigay ng mga grocery bilang regalo. Sa pagbukas ng gate, mabilis na pumasok ang mga suspek sa bahay.


Nakumpirma na ligtas ang mga biktima.


Nangyari ang insidente bago ang pagsiklab ng two-day nationwide strike ng transport group na PISTON bilang protesta sa Disyembre 31 na deadline para sa consolidation ng mga public utility vehicles (PUV).

0 comments

Comentários


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page