ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | Pebrero 18, 2024
Sa may kaarawan ngayong Pebrero 18, 2024 (Linggo): Yayaman ka. Ito ang nakatakda sa iyong kapalaran. Huwag mong kakalimutan ang mga taong nakatulong sa iyo.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Iyo ang araw na ito at ang ilan pang mga araw na darating. Magsabi ka ng iyong mga kahilingan sa langit, at huwag mo na ito lagyan ng dekorasyon. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-3-17-22-30-37-45.TAURUS (Apr. 20-May 20) - Lakas ng loob ang iyong kailangan upang magbukas ang pintuan ng napakaraming oportunidad sa iyo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-6-19-21-27-33-42.
GEMINI (May 21-June 20) - Huwag kang titigil kahit hindi mo makuha ang iyong gusto. Dahil ang tunay na depinisyon ng kabiguan ay pansamantalang pagkaantala ng tagumpay. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-5-14-23-29-32-41.
CANCER (June 21-July 22) - Hindi lahat ng bagay ay nakukuha mo sa pagpupumilit. Maghintay ka ng tamang pagkakataon. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-7-11-20-25-32-43.
LEO (July 23-Aug. 22) - Malaking tagumpay ang nagkaabang sa iyo. Kaya hindi ka dapat mawalan ng pag-asa. Masuwerteng kulay-orange. Tips sa lotto-1-13-18-26-35-44.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Magagawa mo ngayon ang mga hindi mo pa nagagawa noon. Samantalahin mo ang pagkakataon, gawin mo na ang hindi mo pa nagagawa. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-2-17-22-29-34-40.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Kung ano ang hindi mo gusto, iyon ang mapapasaiyo habang ang mga bagay na gusto mo naman ay hindi mo nakakamit. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-3-12-19-27-33-39.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Kalma lang. Hindi maganda na makuha ang isang bagay ‘pag ika’y galit. Gumamit ka ng magandang salita para makita mo ito. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-6-11-20-24-31-40.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Pahinga muna. Ang sobrang pagtatrabaho at pag-iisip ay hindi maganda sa kalusugan. Sa pagpapahinga mananariwa ang iyong lakas at talino. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-3-18-21-30-36-42.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Bukas ang buhay mo sa mga bagong kaibigan. Mas magandang magdagdag kaysa magbawas. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-4-14-17-27-34-43.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Laban lang nang laban at huwag kang aatras. Puwede kang huminto panandalian, pero ang pag-ayaw ay para lamang sa mga talunan. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-7-9-11-18-23-37.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Panoorin mo lang ang mga kaganapan sa iyong harapan, kapag may nakita kang puwedeng pakinabangan kumilos ka ng palihim. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-1-15-25-31-39-40.
留言