top of page
Search
  • BULGAR

Horoscope | Hulyo 2, 2024 (Martes)

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | July 2, 2024



Horoscope


Sa may kaarawan ngayong Hulyo 2, 2024 (Martes):  Lalo pang aangat ang iyong buhay, kahit na makaranas ka pa ng hamon ng iyong kapalaran. Ito ang ibinabalita ng iyong kapalaran.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Gawin mo ang kaya mo at magugulat ka dahil maiiwanan mo nang milya-milya ang iyong mga karibal at kakumpitensiya. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-9-18-20-24-34-36.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Hindi masama ang humingi ng tulong, ang masama ay ang humingi ng tulong sa alam mong may ibang hangarin sa iyo. Ito ang itanim mo sa isip at puso mo ngayon. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-6-11-28-31-35-37.


GEMINI (May 21-June 20) - Kapag damdamin ang pinairal mo, matatalo ka. Kapag isip ang pinagana mo, ang mga problema ay hindi mananaig sa iyo. Ang tanong, saan pa ka? Eh ‘di dapat sa huli ka. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-4-18-22-30-39-45.


CANCER (June 21-July 22) - Unahin mo ang malalapit sa puso mo, pero puwede mo ring kalimutan ang mga taong walang magandang nagawa sa iyo. Ito ang paalala sa araw na ito na masuwerte ka. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-16-20-26-41-44-46.


LEO (July 23-Aug. 22) - Nakabukas ngayon ang puso mo at ang balita ng iyong kapalaran ay nagsasabing, higit sa isa ang puwede mong papasukin sa puso mo. Hindi ito maganda para sa iyo kaya hadlangan mo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-14-16-26-33-35-42.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Kung sino ang tama, siya ang panigan mo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-8-21-23-38-40-44.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Hindi masamang magbigay ng sobra ngayon, dahil sobra-sobrang biyaya rin ang matatanggap mo ngayon. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-1-19-22-28-31-38.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Tatalunin ka ngayon ng awa. Hindi ito gabay ng kapalaran, ito mismo ay mangyayari sa iyo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-19-21-23-39-40-45.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Huwag mong abusuhin ang pribilehiyo ng iyong kapalaran, gamitin mo ito sa kabutihan. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-5-11-12-26-34-42.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Mahina ka ngayon, kaya ang payo ay lumayo ka sa mga taong makukulit. Dahil tatangayin ka nito sa gusto niya kung saan maaaring magsisi ka sa huli. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-14-16-20-22-27-35.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Sundin mo ang iyong puso, kahit na kontra ang isip mo. Gawin mo ito kung gusto mong lumigaya. Ang kaligayahan, kahit kailan ay nagmumula sa puso at hindi sa isip. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-17-20-23-30-41-45.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Magmumula sa mga kaibigan at malalapit sa iyo ang suwerte mo. Pakitaan mo sila ng maganda para suwertehin ka. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-9-12-20-24-38-42.


0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page