ni Jasmin Joy Evangelista | September 16, 2021
Naglabas ng Letters of Authority ang BIR para makapag-imbestiga sa 250 social media influencer na malaki ang kinikita, ayon sa Department of Finance.
Batay sa ulat ng BIR na isinumite sa DOF, self-employed ang mga social media influencer at nakalista dapat bilang sole proprietors, kaya naman ang kanilang kinikita ay kinokonsidera bilang business income.
“We will do the investigation so that they would pay the necessary corresponding tax on their earnings,” ani BIR Deputy Commissioner Arnel Guballa.
Ang social media influencer na binabantayan ng BIR ay hindi lamang mga vlogger sa YouTube kundi maging ang mga kumikita sa iba pang social media platform gaya ng mga sumusunod:
• YouTube Partner Program
• sponsored social and blog posts
• display advertising
• becoming a brand representative/ambassador
• affiliate marketing
• co-creating product lines
• promoting own products
• photo and video sales
• digital courses, subscriptions, e-books
• podcasts and webinars
Comments