ni Clyde Mariano @Sports | Nov. 9, 2024
Photo: TNT Champ Gov. Cup 2024 / PBA PH
Ilatag ang red carpet at daraan ang nagbabalik sa podium na Talk ‘N Text bilang undisputed champion ng PBA 49th Governor’s Cup na pinanood ni team owner Manny V. Pangilinan.
Matapos ang isang taon, muling umakyat ang Tropang Giga sa victory stand at tanggapin ang handcrafted gold-plated trophy kay PBA Chairman Ricky Vargas at PBA Commissioner Willie Marcial na sinaksihan ng mga die-hard PBA fans na nagtiyaga ng mahigit dalawang oras sa Smart Araneta Coliseum.
Matagumpay na napanatili ng TNT ang korona na inagaw sa Barangay Ginebra noong nakaraang taon na tinalo ang Kings, 95-85, sa Game 6 . Rumatsada ang TNT 10-0 sa unang 4 minuto kasama ang tres ni Roger Pogoy at sinira ang huling tie 85-all matapos tumawag ng timeout si coach Tim Cone. Tinanghal si Jason Castro bilang best player of the game. Hindi madali ang panalo ng TNT.
Dumanas ng hirap at naghabol ang Tropang Giga. “We did a lot of sacrifice before we retain the title. They played hard and worked hard to win. They refused to wilt down under tremendous pressure. They showed their true character,” sabi ni coach Chot Reyes. “I can say our success is a product of sacrifice. There is no victory without sacrifice. My players sacrificed for four months rain or shine for just one cause. We finally achieved the dream all of us longing for. The sacrifice we passed through finally gave good dividends. I couldn’t ask for more,” wika ni Reyes.
Muling pinamunuan ni Rondae Hollis-Jefferson ang demolition squad ng TNT kasama sina Castro, Roger Pogoy, Kelly Williams at dating Rain or Shine gunner at NCAA star Rey Nambatac. Tumipa si best import Hollis-Jefferson ng 31 points at 16 rebounds, at walong assists.
Nag-ambag sina Castro at Pogoy ng tig- 13 points at Nambatac ng 12 points at humakot ng 43 rebounds at 27 assists. Napakalungkot ang sinapit ng Barangay Ginebra na hindi nakontrol ang laro at bumigay sa huli sa lungkot ni coach Tim Cone na bumalik sa dugout na nakayuko kasama ang talunang Kings .
Umiskor si rookie Rhon Jay Abarrientos ng limitadong 16 points sa mahigpit na bantay ng TNT. Malamig ang simula ng Barangay Ginebra na naghabol sa first quarter pero nabuhayan at inagaw ang lamang sa first half, 43-42. Subalit nabigo ang Gin Kings na masustena ang lamang nang makontrol na ng TNT ang laro.
Comments