ni Ronalyn Seminiano Reonico | May 17, 2021
Kailangan ng visa at entry exemption document ng mga foreign parents ng mga Pinoy para makapasok sa Pilipinas, ayon sa Bureau of Immigration (BI).
Ayon kay BI Commissioner Jaime Morente, hindi sakop ng Balikbayan privilege ang banyagang magulang ng mga Filipino citizens kaya kailangan nila ang visa para makapasok sa bansa.
Kailangan din ang entry exemption document mula sa Department of Foreign Affairs (DFA) o National Task Force Against COVID-19 kung nais nilang magpunta rito sa Pilipinas.
Nilinaw din ni Morente na kahit bumiyahe ang mga foreign parents kasama ang Filipino citizen nilang anak ay kailangan pa rin ang visa at entry exemption sa pagpasok sa bansa.
Pahayag pa ng BI, “Those who do fail to present a visa and an exemption document upon their arrival at the airport will be denied entry by immigration officers and they will be booked on the first available flight back to their port of origin.”
Ayon kay Morente, ang mga sakop lamang ng Balikbayan privilege ay ang mga “Filipinos and former Filipinos, as well as their foreign spouse and children, who are traveling with them.”
Maaaring makapasok sa Pilipinas ang mga biyaherong eligible sa Balikbayan privilege nang visa-free “with an authorized stay of one year.”
Paalala naman ni BI Port Operations Division Chief Atty. Carlos Capulong sa mga banyagang pupunta ng Pilipinas, “They must present a pre-booked accommodation in an accredited quarantine hotel or facility upon their arrival at the airport.”
Comments