ni Clyde Mariano @Sports | July 7, 2024
Sinimulan na ng PBA ang pagtanggap ng mga aplikante sa 2024 49th season PBA draft na gagawin sa Philsports Arena.
Mayroon nang 70 aspirants ang nagsumite ng kanilang pangalan at handa nang lumaro sa professional basketball league. Ang applicant ay kailangang may edad 22 o 19 na nasa dalawang taon ng kolehiyo. Inalis na ang 30 years old limit sa Filipino heritage players.
Kasama sa mga aspirants ang 6-foot-7 Justine Baltazar na inaasahan magiging top pick sa 49 rookies na kumakatok sa pintuan ng PBA. Inaasahang kukunin ng Converge si Baltazar dahil ang kanyang benefactor na si Delta Pineda ay team official ng Converge. Unang nasibak ang Converge at unang koponang pipili.
Kasama sa mga aspirants si Filipino-American Sedrick Barefield. Naglaro si Barefield sa NBA G-League sa Oklahoma City Blue bago naglaro bilang import sa Taiwan. Kasama rin sa mga candidates sina Caelan Tiongson, RJ Abarrientos at Dave Ildefonso Evan Nelle, Mark Nonoy, Ben Philips, Jonel Policarpio, Francis Escandor, Kai Balunngay, CJ Cansino, CJ Catapusan at Jerome Lastimosa.
Sina Abarrientos at Ildefonso ay naglaro sa Korean League kung saan maganda ang ipinakita ng dalawang Pinoy. Gagawin ang PBA draft sa July 10-11 sa Philsports Arena.
May 79 aspirants ang nakuha at 45 ang hindi nakuha sa 2023 48th season draft na ginawa sa Market Market sa Bonifacio Global City, Taguig City.
Comments