top of page
Search
BULGAR

Nag-picnic malapit sa waterfall... Tinangay ng flash flood, 3 patay

ni Lolet Abania | September 28, 2021



Tatlo ang patay, kabilang ang isang 7-anyos na bata matapos na iragasa ng flash flood mula sa Tinubdan Falls sa Catmon, Cebu, kamakalawa.


Sa isang regional television report, makikita sa video ang mga kalapit na mga residente sa lugar ay sinusubukan pang sagipin si Kent Jude Monterola na na-stuck habang nakahawak ito sa isang bato sa kabila ng matindi at malakas ng agos ng tubig.


Gumamit pa ang mga residente ng lubid para mahila ang biktima at maiahon ito sa tubig subalit bigo silang mailigtas si Monterola.


Sa ulat, si Monterola ay nagpi- picnic kasama ang kanyang kaanak na si Jacel Alastra, 32 at anak nitong babae na si Princess Alastra, kung saan malapit sa waterfalls.


Nang matapos ang kanilang picnic, nag-swimming ang mga ito malapit sa waterfalls nang biglang rumagasa ang malaking agos ng tubig na tumangay sa kanilang lahat.


Nawala si Jacel habang ang katawan nina Princess at Monterola ay narekober na ng mga awtoridad.


Ang saksing si Carlos Japitana Dolendo na siyang kumuha ng video ay labis ang pagkatakot nang makita niya ang malakas na water current na umaagos.


“That was the most unforgettable moment that happened in my life. Na sobrang killer, killer talaga, killer talaga ‘yung tubig,” salaysay ni Dolendo.


Samantala, isa pang katawan ang natagpuan matapos ang insidente sa naturang waterfall noong Linggo, pahayag ng isa sa mga rescuer ng Catmon Police Station.


Ayon kay Police Senior Master Sergeant Ben Naveles, nakatanggap sila ng report mula sa Carmen Police Station ngayong Martes nang umaga na nakakita ang isang mangingisda ng isang katawan ng babae.


“May natanggap rin kaming report galing sa Carmen Police Station na may mangingisdang nakatagpo ng babaeng patay na palutang-lutang sa karagatan ng Barangay Luyang, Carmen, Cebu,” sabi ni Naveles.


Ayon sa Catmon police, ang malakas na pagbuhos ng ulan mula sa mga bundok ang sanhi ng flash flood.


Nagsasagawa na ng imbestigasyon ang gobyerno ng Catmon sa lugar kung saan naganap ang picnic dahil ang naturang establisimyento ay wala umanong license to operate.

0 comments

Recent Posts

See All

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page