top of page
Search
BULGAR

Tips para lumaking responsable at hindi spoiled ang bata

ni Nympha Miano-Ang - @Life and Style | June 29, 2021




Sobra na raw kung mang-spoiled ang kanyang mister sa kanilang anak. Parang ayaw tanggapin kung ano ang nakakayanan ng magulang para sa kanya at kung may gusto ay nagwawala.


Kapag may gusto siyang laruan, dapat ibili kaagad. Sumosobra ugali ng 6-anyos kong anak. Pero nakagawa ako ng paraan kung paano siya babaguhin at natuto siya ng mga responsibilidad habang lumalaki.”


1. Ipaliwanag sa bata na hindi basta dumarating ang pera, kaya naman ang mga laruan at iba pang bagay na gusto niya ay dapat pag-ipunan muna. “Tuwing may gustong isang bagay ang anak ko, nag-iipon siya ng pera para makabili noon. Natututo siyang maging masinop. Pati sa bahay siya ang nagwawalis, naghuhugas ng pinggan, at least natututunan niya ang responsibilidad.”


2. Tulungan ang bata na mag-donate ng lumang laruan at iba pang bagay na hindi na niya ginagamit. Ugaliin na niya kamo ito at sabihin sa kanya na kapag may isang bagay na siyang ayaw gamitin o laruin, matutulungan niya pa ang ibang batang mahirap na magkaroon ng bagong laruan. Dito niya malalaman na mas masuwerte pa siya kaysa sa iba. Kailangang matutunan ng bata na matanggap ang mga biyaya niyang natatanggap. Sa pamamagitan nito ay mawawala ang kanyang ugaling sakim at maramot.


3. Imulat ang bata sa mga volunteer works. Kapag nakikita mo ang bata na sobrang makasarili at maramot, hanapan siya online ng mga volunteer organization, free medical clinic, boys at girls club o food pantry at pansinin kung paanong magbabago nang mabilis ang ugali ng bata. Nang makita niya kung gaano kahirap ang buhay ng ibang tao kumpara sa kanya. Kapag nakita ito ng bata, tiyak na mas matutuwa siya sa blessings na dumarating sa kanya.


4. Kapag sumosobra ang pagka-spoiled ng bata, ilayo sa kanya ang mga bagay na ikinasisiya niya. Kung sobra nang makulit at pasaway, itago ang kanyang video games. “Winawarningan ko ang anak ko para maintindihan niya na ang kanyang pagiging pasaway ay dapat nang mahinto. Kaya dapat may isang mahalagang bagay na mailayo sa kanya. Sasabihin ko na sa kanya na kung gusto pa niya uling magkaroon ng ganoon ay siya na mismo ang bumili nito. Ibig sabihin nito, kailangan niyang magbago at dumisiplina. Torture na sa kanya iyan, kaya naman madali siyang nagbago at natutunan na niya ngayon na matanggap kung anuman ang mayroon siya.”

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page