ni Ronalyn Seminiano Reonico | April 22, 2021
Hindi dadalo si Pangulong Rodrigo Duterte sa gaganaping Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) summit na dinadaluhan ng mga lider ng bansa.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, hindi dadalo si P-Duterte dahil required umano ang face-to-face sa naturang meeting na gaganapin sa Jakarta, Indonesia sa April 24.
Pahayag ni Roque, “Ang pagkakaintindi ko po riyan, it’s the issue of face-to-face.”
“Could it be face-to-face or could it be virtual, marami rin pong mga hindi makakarating na heads of states from ASEAN personally.”
Kabilang sa mga nakatakdang pag-usapan sa naturang summit ay ang COVID-19 pandemic.
Saad ni Roque, “But the Department of Foreign Affairs [representatives] surely will be there.”
Comments