top of page
Search
BULGAR

Pinoy nars palit sa COVID-19 vaccine, tinanggihan ng UK


ni Lolet Abania | February 25, 2021




Sang-ayon ang Malacañang sa panukala ni Department of Labor and Employment (DOLE) Secretary Silvestre Bello III na i-deploy ang mga Pinoy health workers sa Germany at sa United Kingdom kapalit ng 600,000 COVID-19 vaccine doses na ibibigay sa 'Pinas.


Ayon kay Spokesperson Harry Roque, kahit na makakuha ng sapat na COVID-19 vaccines ang gobyerno para sa 70 milyong adult population, hindi naman makasasama kung magkakaroon pa ng dagdag na doses ang bansa.


“Wala pong inconsistencies sa mga sinabi ni Secretary Bello at [DFA] Secretary [Teddyboy] Locsin at sa sinabi ko. Nag-order po tayo ng sapat, sobra-sobra pa, 90 million, sinobrahan pa nga natin. Pero siyempre, kung mas maraming supply ang makukuha natin, bakit hindi?” ani Roque sa Palace briefing.


“This is an idea of Secretary Bello. Wine-welcome natin ito because more is better than less,” dagdag ng kalihim. Agad namang tinanggihan ng UK ang mungkahi ni Bello, kung saan ayon kay Ambassador Daniel Pruce, hindi sang-ayon ang British government sa ganu'ng klase ng kasunduan.


“I’d say we’ve got no plans to link vaccines with those conversations around the recruitment of nurses,” ani Pruce sa isang virtual chat sa mga reporters.


Ayon pa kay Pruce, mas ninanais na tulungan ng UK ang mga umuunlad na bansa na maka-access ng COVID-19 vaccines sa pamamagitan ng COVAX facility ng World Health Organization.


Recent Posts

See All

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page