ni Eli San Miguel - Trainee @News | January 9, 2024
Nagbigay ng medikal na atensyon ang Philippine Red Cross (PRC) sa mahigit 600 deboto na dumalo sa Traslacion ng Itim na Nazareno ngayong Martes.
Hanggang alas-tres ng hapon, tumutulong ang PRC sa kabuuang 606 pasyente na may minor at major cases.
Sa naturang bilang, 256 ang tinutukan ang vital signs habang 182 ang may mga minor cases tulad ng abrasion, burn, dizziness, puncture, laceration, difficulty in breathing, chest pain, hyperventilation, wound, headache, elevated blood pressure, at infected wounds.
Hindi bababa sa anim na pasyente ang may naranasang head trauma (swelling), laceration, incision, fainting, severe chest pain, at suspected fracture on the left ankle.
Dinala ang mga pasyente sa PRC emergency hospital at sa Philippine General Hospital para sa agarang pangangalaga.
Comments