top of page
Search
BULGAR

Patay sa giyera ng Israel vs. Hamas, 83 na


ni Ronalyn Seminiano Reonico | May 13, 2021



Umakyat na sa 83 ang bilang ng mga nasawi sa Gaza dahil sa palitan ng air strikes ng Israeli forces at Palestinian militants, ayon sa health ministry ngayong Huwebes.


Kabilang sa mga nasawi ay 17 kabataan at 487 ang tinatayang bilang ng mga sugatan.


Matatandaang unang nagpaulan ng mga rockets ang Hamas sa Israel. Gumanti naman ng air strikes ang Israel para pasabugin ang Hamas military na nasa Gaza City.


Samantala, nagpahayag na rin ng pagkabahala si U.N. Middle East Peace Envoy Tor Wennesland sa insidente at panawagan niya, "Stop the fire immediately. We're escalating towards a full scale war. Leaders on all sides have to take the responsibility of de-escalation.


"The cost of war in Gaza is devastating & is being paid by ordinary people. UN is working w/ all sides to restore calm. Stop the violence now.”


Kinansela na rin ng British Airways, Virgin Atlantic at Iberia ang mga biyahe papuntang Tel Aviv dahil sa patuloy na tensiyon sa Israel.


Pahayag ng British Airways, "The safety and security of our colleagues and customers is always our top priority, and we continue to monitor the situation closely.”


Recent Posts

See All

Opmerkingen


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page