top of page
Search

Cool Smashers kampeon sa PVL Reinforced Conference

BULGAR

ni Gerard Arce @Sports | September 4, 2024



Sports News

Humataw ng husto ang trifecta ng Creamline Cool Smashers na sina import Erica Staunton, Michele Gumabao at Bernadeth Pons upang itala ang kanilang ika-siyam na kampeonato sa pamamagitan ng pangwawalis sa first-time finalist na Akari Chargers na nagtapos sa 25-15, 25-23, 25-17, Miyerkules ng gabi sa winner-take-all championship ng 2024 Premier Volleyball League (PVL) Reinforced Conference sa Philsports Arena sa Pasig City.


Pinamunuan ng conference MVP na si dating Far Eastern University Lady Tamaraws na si Pons ang iskoring sa pagkarga ng triple-double para sa Cool Smashers sa kabuuang 19 puntos mula sa 14 atake at limang service aces, gayundin 13 excellent receptions at 12 excellent digs, habang sumegunda naman si Staunton sa 13 puntos sa siyam kills, tatlong blocks at isang ace, gayundin si Gumabao na may 10 puntos.


“Lahat ng championship namin proad ako kase pare-pareho rin naman, pero maganda ito kase marami kaming kulang pero nagtulong-tulong ang lahat,” pahayag ni Creamline head coach Sherwin Meneses.


“Marami pa naman kase yung bench namin mga bata pa naman at sana magpatuloy ang achievements ng Creamline,” dagdag ni Meneses patungkol sa kakayanan ng kanilang grupo na makapagwagi ng kampeonato kahit wala ang tatlong pangunahing iskorer mula kina Tots Carlos, Jema Galanza at Alyssa Valdez.


Sumuporta rin para sa Cool Smashers sina Bea De Leon sa walong puntos, Jeanette Panaga sa pitong puntos, at Kyle Negrito sa limang puntos, kasama ang 17 excellent sets na nakuha ang ikatlong sunod na kampeonato at ikalawang Reinforced Conference na huling napanalunan nung 2018.


Nanguna naman para sa Akari si Oluoma Okaro sa 14 puntos na sinundan ni Gretchel Soltones sa siyam puntos, kasama ang pitong receptions at limang digs, habang matamlay naman sa iskoring si Ivy Lacsina na mayroon lamang apat na puntos at siyam na receptions, gayundin si Camille Victoria sa limang puntos at playmaker Kamille Cal sa apat puntos at apat excellent sets.


Ginawaran namang conference Best Setter si Gel Cayuna ng Cignal na nakuha ang ikaapat na parangal, gayundin ang best middle blockers na sina Des Clemente ng Solar Spikers at Majoy Baron ng PLDT High Speed Hitters, habang Best Spikers sina Brooke Van Sickle ng Petro Gazz Angels at Soltones nbg Akari Chargers. Best Opposite hitter naman si Trisha Tubu ng Farm Fresh Foxies at Best Foreign Player si Maria Jose Perez ng Cignal HD Spikers.

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page