Cool Smashers at HSH wagi sa unang laban sa AVC Cup
- BULGAR
- 2 hours ago
- 2 min read
ni Gerard Arce @Sports News | Apr. 21, 2025
Photo: Matibay na bumanat ng pag-atake si Michelle Gumabao-Panlilio ng PHL Creamline Cool Smashers sa harap ng depensa ni Paula Pully ng NVC-Al Naser Club Jordan sa kanilang maaksyong tagpo sa unang araw ng AVC Women's Volleyball Champions League sa PhilSports Arena kahapon. (Reymundo Nillama)
Mga laro ngayong Lunes
(Philsports Arena)
10 a.m. – VTV Binh Dien Long An vs Baic Motor (Pool C)
1 p.m. – Nakhon Ratchasima vs Queensland (Pool D)
4 p.m. – Petro Gazz vs Taipower (Pool B)
7 p.m. – Zhetysu vs Creamline (Pool A)
Madaling dinispatsa ng Creamline Cool Smashers at ng PLDT High Speed Hitters sa pangunguna ng import na si Erica Staunton ang Al Naser ng Jordan sa 29-27, 25-20, 25-19 straight sets at ni Kianny Dy sa straight sets din kontra Australian squad Queensland Pirates, 25-19, 25-12, 25-12 sa 2025 AVC Women’s Champions League kahapon sa Philsports Arena sa Pasig City.
Dahil dito nakausad papalapit sa quarterfinal berth sa Pool A ang CCS mula sa impresibong laro ni Staunton. Nakatulong din ng 25-anyos na American hitters sina Kazakh middle blocker Anastassiya Kolomoyets at Russian outside hitter Anastasya Kudryashova sa pagragasa ng puntos para sa CCS sa opening set upang makuha ang tamang laro tungo sa 1-0 kartada sa Pool A.
Nasubukan ang tindig ng CCS sa third set mula sa pagtapyas ng Al Naser sa 16-14 na bentahe kasunod ng error ni Kolomeyts. Subalit nakabawi naman ang CCS sa magkasunod na errors ng Jordan team na sinundan ng banat ni Staunton upang muling makalayo sa 19-14 na bentahe.
Hindi na pinabayaan ng CCS na mawala pa sa kamay ang kalamangan mula sa atake ni Staunton, at butata ni Lorie Bernardo. Kinakailangang walisin ng CCS ang Pool A na sunod na makakaharap ang 9-time WVL champion na Zhestyu VC ng Kazakhstan. Samantala, papanatilihin ng Al Naser ang na makaharap ang Kazakhstan sa Martes.
Lalabanan ng PLDT ang Thailand powerhouse Nakhon Ratchasima sa Martes, April 22.
Samantala, nagwagi rin ang Kaoshiung Taipower laban sa Hong Kong’s Hip Hing sa 25-10, 25-16, 25-14.
Kommentare