top of page
Search
BULGAR

Convo, inilabas sa IG Stories… RUFA MAE, HINIWALAYAN NG MISTER DAHIL DAW SA IBANG LALAKI

ni Janiz Navida @Showbiz Special | Dec. 10, 2024



Photo: Rufa Mae Quinto - Instagram


Uso talaga ang labasan ng screenshot ng private convo ngayon. 


Matapos ang controversial na Maris Racal-Anthony Jennings cheating issue na nabulgar dahil sa inilabas ng ex-girlfriend ng aktor na si Jamela Villanueva, pinagpipiyestahan naman ngayon ang diumano'y inilabas ng mister ni Rufa Mae Quinto na si Trevor Magallanes sa kanyang Instagram Stories na mga screenshots ng private convo nila ng komedyana na nagko-confirm na hiwalay na sila.


Ilang buwan na ring bulung-bulungan sa showbiz na hiwalay na si P-Chi (palayaw ni Rufa Mae) sa kanyang mister na US-based, pero idinenay niya ito sa ilang recent interviews sa kanya.


Pero dahil nga si Trevor na ang mismong naglabas nito sa kanyang IG Stories, hinihintay na lang ngayon ang confirmation at side ni Rufa Mae sa hiwalayan.


Kung pagbabasehan ang kumakalat ngayon sa socmed na screenshots ng private convo nina Rufa Mae at Trevor, tila inaakusahan ng huli ang misis na may iba itong lalaki, base na rin sa inilabas niyang private message ni Rufa Mae at ng naturang guy na ka-chat nito.


Komento ng ilang netizens na nakabasa ng convo ni Rufa Mae at ng ka-chat nito, obyus namang bading ang kausap ng sexy comedienne at baka na-misinterpret lang daw ng mister niya.


Base naman sa nabasang private convo nina P-Chi at Trevor, humihingi ng financial support ang sexy comedienne sa mister para sa kanilang anak at nakikiusap na i-delete nito ang nega post tungkol sa kanya.


Pero, mukhang galit na galit si Trevor kaya ang sagot kay Rufa Mae, "F*ck you b*tch."

Ang sagot naman ni P-Chi sa mister, "If you want me out of your life, it's ok, just don’t be mean to me."

'Yun na! 


Bukas ang aming kolum para sa panig at paglilinaw ni Rufa Mae Quinto sa isyung ito.


 

'Di pa tumatakbong senador, threat na sa mga kalaban… ATTY. PERSIDA, NAKA-80 AWARDS SA ISANG TAON LANG!



Hindi pa natatapos ang taon, umabot na pala sa 80 awards ang natanggap ni Public Attorney's Office Chief Atty. Persida Rueda-Acosta mula sa iba't ibang award-giving bodies.


In fact, kagabi lang (December 9) ay tumanggap na naman ang most-loved and Darling of the Press ng mga movie reporters na PAO Chief ng Top Diamond Leader award mula sa The Diamond Excellence Awards na ginanap sa Grand Ballroom ng Okada Manila.


Kaya hindi talaga kataka-taka na may mga naiinggit at nakabantay sa mga kilos ni Atty. Persida lalo na nang umingay ang kanyang pangalan na tatakbong senador sa 2025 elections.


At kahit hindi nga nag-file ng Certificate of Candidacy si Atty. Persida at mas piniling manatili bilang PAO Chief, may mga nagpapakalat ng maling impormasyon at tinatawag siyang "talunang senador" dahil ngayon pa lang, mabangung-mabango na ang kanyang pangalan at malaking threat siya sa mga nag-a-aspire na makakuha ng posisyon sa Senado.


Katwiran naman ni Atty. Persida, sa kabila ng maraming clamor na tumakbo siyang senador, hindi niya pa nararamdaman ang tamang panahon para rito. Masaya na raw siya sa paglilingkod sa PAO at sa mga taong natutulungan nila.


Birong totoo pa ni Atty. Persida, mas malamang pa na maging singer siya kesa maging senador dahil love na love niya ang pagkanta at in fact, nag-voice at piano lesson pa nga siya para mag-improve ang kanyang talent.


At gamit na gamit ni Atty. Persida ang talent niyang ito dahil kapag nagpupunta raw sila sa Bilibid, kinakantahan at pinasasaya nila ang mga inmates du'n.


Kaya naman pala looking young pa rin si Atty. Persida Acosta dahil may pantanggal ng stress — ang hilig niya sa pagkanta!

I-concert na 'yan, PAO Chief!!!


 

CESAR, MARCO AT JASON, WAGI SA CELEBRITY GOLF TOURNAMENT



Nagwagi ang tatlong aktor na sina Cesar Montano, Jason Gainza at Marco Gumabao sa ginanap na 1st MMFF Celebrity Golf Tournament: A Grand Celebration of Legacy and Excellence last Dec. 3 sa Wack-Wack Golf & Country Club.


Si Cesar ay first runner-up sa Senior's Division. First runner-up din si Jason Gainza sa Class C Division. Habang si Marco Gumabao na kasama si Cristine Reyes that day ay 2nd runner-up naman sa Class A. 


Ilan din sa mga dumating at nag-join sina Epi Quizon, Atoy Co, Paolo Paraiso, Daisy Reyes, Christian Bautista, Mitoy Yonting, Vince Hizon, Patricia Bermudez Hizon, LA Tenorio, among others.


Ang very active naman ngayon sa mga events ng MMFF na si Enchong Dee ang nag-host ng awarding ceremony na ginanap nu'ng gabi ng Dec. 3. 


Dumating din du'n ang MOWELFUND Chairwoman na si Ms. Boots Anson-Rodrigo para magpasalamat kay MMDA Chairman Romando "Don" Artes dahil sa P1 milyong donasyon ng MMFF na magagamit para sa pagpapalawak ng mga charity works and services ng Mowelfund na makakatulong sa mga miyembro nitong taga-movie industry.


“The tournament is part of the promotional activities of the MMFF’s 50th edition and at the same time a fund-raising event. Proceeds of the tournament will go to the MowelFund (Movie Workers Welfare Foundation); and a nonprofit and nonstock organization founded by First Lady Liza Araneta Marcos, which aims to showcase and promote the Filipino films in the international scene,” pahayag ni Chairman Artes.

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page