ni Angela Fernando @News | May 25, 2024
Inamin ng content creator na si Chardie B sa kanyang TikTok account na hindi na sila nag-uusap ng dating “ride or die” at best friend na si Poca.
Sey niya sa kanyang video, deserve raw malaman ng mga fans ang nangyari sa kanilang friendship ngunit hiniling din agad nito sa netizens na respetuhin ang estado ng kanilang relasyon.
"I really would like to think that we are still in good condition, however I would only be lying to you and myself, kasi hindi na po kami nag-uusap," saad ni Chardie.
Nilinaw naman ni Chardie na kahit hindi na sila nag-uusap ay hindi naman sila nag-away ni Poca.
Marami namang netizens ang nalungkot sa balita dahil malaki talaga ang sumuporta sa mga kuwelang skits ng dalawa.
"Some things just happened, and the next thing I know, magkaiba na kami ng landas na tinatahak sa buhay," dagdag ni Chardie.
Ipinahatid din ni Chardie sa madamdaming pagtatapos ng kanyang video ang pasasalamat niya sa naging journey nila ni Poca at kung paano siya na-encourage nito na maging best version ng kanyang sarili.
Matatandaang nakilala ang dalawa dahil sa kanilang mga TikTok contents at mga guestings sa mga proyekto sa GMA Network na "Unang Hirit" at "Biyahe ni Drew."
Comments