ni Rensel Sabando - Trainee @Entertainment | February 17, 2024

"Love Story" ang peg ng proposal ni Renz David sa content creator na si Jen Barangan na ishinare ng vlogger sa kanyang Instagram account.
In-announce ni Jen through Instagram ang proposal na ginawa ng kanyang boyfriend na mala-Romeo and Juliet ang kanilang hitsura sa lugar ng Shinjuku Gyeon National Garden in Tokyo, Japan.
Caption niya sa photos na kanyang ipinost ay “And there she was ugly crying” at after ay nag-reply naman si Renz sa mismong post “And there he goes, admiring the most beautiful woman he’ll forever be with.”
Nasa Japan ang dalawa last February 7 para sa first leg ng Taylor Swift concert na Asia’s Pacific Eras Tour.
Two days ago, nag-post si Jen ng kanyang vlog sa said tour at ang kanyang title sa vlog ay “Our Eras Tour Experience Plus a Surprise”.
Sa kanya namang TikTok post ay may sound ito ng kanta ni Taylor Swift na “Love Story”. Matatandaan na isa sa mga lyrics ng song ay “He knelt to the ground and pulled out a ring, And said, "Marry me, Juliet. You'll never have to be alone. I love you and that's all I really know," na eksaktung-eksakto sa kanyang pictures na naibahagi sa Instagram at Tiktok.
Gayunpaman, hindi pa nai-share ng vlogger ang full video nito dahil sa latest vlog nito, may pa-surprise siya sa dulo.
Samantala, sa latest vlog niya, nag-congrats na rin si Toni Gonzaga sa kanya.
Ani Toni, “Congrats ha, 'wag mo siyang sasaktan.”
Ang episode ng Toni Talks with Jen Barangan ay ilalabas bukas, February 18, 2024, Sunday.
Comments