ni Lourdes Abenales | July 2, 2020
Napilitang ihinto ng Senate committee on public services ang kanilang pagdinig kaugnay ng internet accessibility, makaraang makaranas mismo sila ng palpak na connection.
Sa nasabing hearing, kabilang sana sa mga resource person ang mga kinatawan ng Department of Information and Communications Technology (DICT), telecommunication companies (Telco) at iba pang stakeholders.
Hindi naitago ni Senate committee on public services chairperson Sen. Grace Poe ang pagkadismaya, dahil tila nasasayang ang magagandang impormasyon na isinisiwalat ng mga bisita, bunsod ng mahinang internet connection.
Kasama sa mga nakatakdang talakayin ang kakayahan nating humarap sa “new normal”, kung saan ang karamihang mga estudyante ay mag-aaral na gamit ang internet, habang marami naman ang magtatrabaho sa bahay upang maiwasan ang palagiang pagbyahe.
Commentaires