ni Pablo Hernandez @Prangkahan | Jan. 15, 2025
VP SARA PARANG GUSTONG MAKIPAG-UNITY ULI, PERO SI PBBM PARANG AYAW -- Matapos ang isinagawang “National Rally for Peace” ng kapatiran ng Iglesia ni Cristo (INC) sa layunin nilang magkasundo-sundo ang mga opisyal ng pamahalaan at tigilan na ang bangayang pulitika para sa kapayapaan ng bansa, ay agad nagpasalamat si Vice Pres. Sara Duterte-Carpio sa INC at tila nagpahiwatig na nais na niyang makipag-unity uli kay Pres. Bongbong Marcos (PBBM). Pero sa panig ng Presidente ay wala itong statement na pagpapasalamat sa kapatiran ng INC sa isinagawa nitong rally for peace.
Ibig kayang sabihin na kaya hindi nagpasalamat si PBBM sa peace rally ng INC ay dahil ayaw na niyang makipagbati kay VP Sara, na ang impeachment laban sa bise presidente ay tuloy? Abangan!
XXX
HINDI MAN AMININ NG IBANG NAG-AAMBISYONG MAGING PRESIDENTE, TIYAK KINABAHAN SILA SA SINABI NI VP SARA NA POSIBLE SIYANG KUMANDIDATONG PRESIDENTE -- Sinabi ni VP Sara na kinukonsidera na raw niya ang pagtakbo sa pagka-presidente ng bansa sa 2028 election dahil hindi raw niya kayang talikurang pagserbisyuhan ang mamamayan.
Dahil sa statement niyang iyan, hindi man aminin, ay tiyak kinabahan ang ibang nag-aambisyong maging presidente sa year 2028, boom!
XXX
VP SARA, MALAKAS PA RING KANDIDATO SA PAGKA-PRESIDENTE, MERON SIYANG 35% SOLIDONG SUPPORTERS -- Sa totoo lang, kahit maraming alegasyon laban kay VP Sara ay masasabing malakas pa rin siyang presidential candidate.
Ang pinagbasehan natin ay ang survey ng SWS tungkol sa isyung impeachment kay VP Sara, 41% ang pabor na siya ay ma-impeach, 35% ang ayaw at 19% ang undecided.
Kung sa presidential survey natin isasalin ang survey na ‘yan, ang 41% na ayaw kay VP Sara ay paghahati-hatian ng tatlong posibleng makakalaban niya sa pagka-presidente na sina Sen. Raffy Tulfo, Speaker Martin Romualdez at pambato ng dilawan-kakampink, maaaring si Sen. Risa Hontiveros o kaya si Baguio City Mayor Benjamin Magalong, samantalang siya (VP Sara) ay may solid na 35%, eh kung ang majority ng 19% na undecided sa kanya pa pumanig, sure win na si VP Sara sa 2028 presidential election, period!
XXX
BAKA NAMAN HINDI NAGING PATAS SA PARTEHAN NG PORK BARREL KAYA PINATALSIK SI CONG. CO SA KANYANG KOMITE -- Pinatalsik na si Ako Bicol Partylist Rep. Elizaldy Co bilang chairman ng makapangyarihang House Committee on Appropriations.
Baka naman kaya siya pinatalsik sa kanyang komite ay hindi ito naging patas sa partehan ng pork barrel funds, boom!
Comments