ni Fely Ng @Bulgarific | October 27, 2023
HELLO, Bulgarians! Kamakailan ay muling naglunsad ang Government Service Insurance System (GSIS) ng condonation at restructuring program na mas mahaba at abot-kayang payment terms upang makinabang ang mga former member, old-age pensioner, re-employed member, at iba pang mga borrower na may overdue loan.
Ang tinaguriang Restructuring Program for Service Loans (RPSL) ay one-time condonation at restructuring program na naglalayong bigyan ang mga delingkwenteng borrower ng mas flexible at mas magaan na opsyon upang bayaran ang kanilang due at demandable service loan gayundin ang kanilang mga multa at surcharge. Nilalayon din ng programa na mapabuti ang kahusayan sa pagkolekta ng pension fund’s loan.
“GSIS hopes to address the clamor of our members and pensioners who would like to settle their obligations in full or in part through flexible means,” pahayag ni GSIS President and General Manager Wick Veloso.
Maaaring mag-aplay ang mga borrower para sa RPSL over-the-counter sa alinmang opisina ng GSIS. Dapat silang magsumite ng duly accomplished RPSL application form kasama ang photocopy ng Phil ID, GSIS eCard, valid passport, o anumang dalawang valid government-issued ID.
Ang RPSL program ay sumasaklaw sa iba’t ibang mga service loan, na kinabibilangan ng GSIS Salary Loan; Enhanced Salary Loan; Restructured Salary Loan; Emergency Loan Assistance; Summer One-Month Salary Loan; Member’s Cash Advance; eCard Plus Cash Advance; Consolidated Loan; Enhanced Conso-Loan; Emergency Loan; Home Emergency Loan Program; Study Now, Pay Later; Fly PAL, Pay Later; Educational Assistance Loan; Stock Purchase Loan; Policy Loan; Optional Policy Loan; GSIS Financial Assistance Loan; Program for Restructuring and Repayment of Debts; Multi-Purpose Loan; Computer Loan; at iba pang mga loan sa hinaharap.
“By strengthening our loan collection efficiency, we are also protecting the financial health of the pension fund so that members may avail of benefit and services when they fall due,” sabi pa ni Veloso.
Para sa karagdagang impormasyon, maaaring bisitahin ang GSIS website (www.gsis.gov.ph) o GSIS Facebook page (@gsis.ph), mag-email sa gsiscares@gsis.gov.ph, o tumawag sa GSIS Contact Center sa 8847-4747 (kung nasa Metro Manila), 1-800-8-847-4747 (para sa Globe at TM subscribers), o 1-800-10-847-4747 (para sa Smart, Sun, at Talk 'N Text subscribers).
Para sa anumang impormasyon, opinyon, isyu o maging imbitasyon, mag-e-mail sa bulgarific@gmail.com o sumulat kay Ms. Bulgarific at ipadala sa Bulgar Bldg., 538 Quezon Avenue, Quezon City.
Comments