top of page
Search
  • BULGAR

Concert, dinumog lang daw dahil libre… DANIEL, MUNTIK BATUHIN NG BOTE NG FAN HABANG NASA STAGE

ni Beth Gelena @Bulgary | June 11, 2024



Showbiz news

Pinasalamatan ni Karla Estrada ang mga dumalo sa Pagkakaisa concert sa Davao kung saan si Daniel Padilla ang performer. 


Kahit umuulan ay nasaksihan niyang marami pa rin ang sumuporta sa kanyang anak. 

“Daghang salamat sa lahat ng mga nakisaya, nakikanta at nagpaulan! Sa mga supporters ni @supremo_dp na galing pang Manila, kayo ang tunay na idol! At sa mga taga-Davao. DAVnor, Tagum at kung tagasaan ka mang bayan nanggaling kagabi, Idol ka!!!” ani Karla sa kanyang Instagram (IG). 


“Salamat sa sakripisyo n’yo na mag-intay at maligo sa ulan. Mabuhay kayo, mga kaibigan!


Hanggang sa muli nating pagkikita. Pag-ibig para sa inyong lahat,” dagdag pa niya. 


Samantala, sinaway ni DJ ang isang nasa audience dahil tila mambabato raw ng bote ang guy.


“‘Yung nambabato ng bote d’yan, tigilan mo ‘yan.”


Well, hindi pa rin nawawala ang mga bashers ng aktor. 


Ani ng isang basher, “Proud na proud ang mga fans, dami raw tao. Libre, eh.”


May defender naman si DJ, “Kahit libre, kung walang gustong manood, alisan na mga ‘yan, lalo na't umuulan. Grabe rin ang mga tao, nagpaulan para kay Daniel. Iba rin.”


 

Ipinasilip ni Pia Wurtzbach sa kanyang Instagram (IG) account ang buhay nila ng mister na si Jeremy Jauncey kapag hindi sila busy.


Aniya sa kanyang IG, “A day in the life of the Jaunceys.


“Switching up from resort glam to beach calm. It's been awhile since we had moments like this. Here’s us back to our crazy antics, enjoying our favorite time of the day and the best of what @ooaesthesis has to offer.”


May isang nagtanong tungkol sa suot na shades ni Pia, “Miss @piawurtzbach where are your shades from?”


Hindi naman nagkait ang beauty queen at sinagot niya ito, “@oliviasylvia The sunglasses are from Bvlgari.”


Ibig sabihin, binabasa ni Pia ang mga komento sa kanyang comment section at talagang naglalaan siya ng oras para sagutin ang kanyang mga followers.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page