top of page
Search
BULGAR

Compulsory Motor Vehicle Liability Insurance

ni Atty. Persida Rueda-Acosta @Magtanong Kay Attorney | August 8, 2023


Dear Chief Acosta,


Ako ay kumuha ng isang compulsory motor vehicle liability insurance (CMVLI) para sa binili ko na sasakyan. Noong nakaraang buwan lamang ay nabangga ang kotse ko ng isang SUV sa kahabaan ng EDSA. Ngayon ko lamang nakuha ang police report upang mapatunayan na aksidente ang nangyari, at ito ang dahilan ng pagkakasira ng aking sasakyan at pagkakatamo ko ng mga injuries. Nais ko lang malaman, maaari pa rin ba akong maghain ng insurance claim upang masagot ang gastos ng pagpapagawa sa aking sasakyan? Maraming salamat. - Mog


Dear Mog,


Ang sagot sa iyong katanungan ay matatagpuan sa Sekyson 397 ng Presidential Decree No. 612 o ang “Insurance Code” na naamyendahan ng Republic Act No. 10607, kung saan nakasaad na:


“Section 397. Any person having any claim upon the policy issued pursuant to this chapter shall, without any unnecessary delay, present to the insurance company concerned a written notice of claim setting forth the nature, extent and duration of the injuries sustained as certified by a duly licensed physician. Notice of claim must be filed within six (6) months from the date of accident, otherwise, the claim shall be deemed waived. Action or suit for recovery of damage due to loss or injury must be brought, in proper cases, with the Commissioner or the courts within one (1) year from denial of the claim, otherwise, the claimant’s right of action shall prescribe.”


Ayon sa nasabing probisyon ng batas, ang sino man na mayroong habol o claim sa isang polisiya o tinatawag na insurance policy, ay nararapat na ipresenta ang kanyang insurance claim, sa pamamagitan ng isang kasulatan, sa responsableng insurance company nang walang kahit anong hindi nararapat na delay. Sa nasabing claim ay dapat nakasaad ang nature, extent at duration ng natamo na injuries. Dapat ding ito ay pinatunayan ng isang lisensyadong doktor.


Karagdagan dito, nararapat na ang Notice of Claim ay maisumite na sa loob ng 6 na buwan mula sa araw ng insidente dahil kung hindi ito magawa, ang karapatan sa paghahabol sa insurance sa ilalim ng Compulsory Motor Vehicle Liability Insurance ay kinokonsidera nang tinalikdan.


Base sa iyong nabanggit na sitwasyon, maaari ka pa ring magsumite ng Notice of Claim sa responsableng insurance company. Dagdag pa rito, nais naming ipabatid sa iyo na ano mang paglabag sa probisyon ng nasabing batas ay may karampatang parusa na nakasaad sa Seksyon 442 ng Insurance Code.


Sana ay nabigyan namin ng linaw ang iyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa mga impormasyon na iyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng iyong salaysay.


Maraming salamat sa inyong patuloy na pagtitiwala.


0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page