top of page
Search
BULGAR

‘Community pantry’, huwag abusuhin

@Editorial | April 19, 2021



“Magbigay ayon sa kakayahan, kumuha batay sa pangangailangan.” Ito ang paskil na nakalagay sa mga nagsulputang ‘community pantry’ sa iba’t ibang lugar sa bansa.


Ito ay maaaring kariton, estante o lamesa kung saan maaaring maglagay ang sinuman ng pagkain tulad ng gulay, prutas, de-lata, bigas at iba pa na puwede namang kunin ng mga wala talagang kakayahang makabili.


Ito ay patunay na buhay na buhay pa rin ang diwa ng bayanihan sa panahon ng pandemya dulot ng COVID-19.


Gayunman, may mga pagkakataong tila hindi nauunawaan ng iba ang layunin ng mga community pantries. May iba na todo-hakot at tila wala nang pakialam sa ibang nangangailangan.


Ang community pantry ay hindi charity, kundi ito ay mutual aid — give and take. Ang bawat isa ay malayang magbigay hangga’t makakaya, ngunit walang sinuman ang dapat makakuha ng higit sa kailangan.


Maganda ang layunin nito, huwag sanang maabuso.


Malaking tulong ang community pantry lalo’t aminado ang mismong gobyerno na hindi talaga nila kakayanin ang pagharap sa pandemya kung hindi tutulong ang mamamayan.

0 comments

Recent Posts

See All

Comentarios


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page