ni Lolet Abania | March 5, 2022
Nakatakdang makumpleto ang isang grand central station na magkokonekta sa apat na railway lines sa Metro Manila sa pagtatapos ng Marso ngayong taon, ayon sa Department of Transportation (DOTr).
Sa isang statement ng DOTr ngayong Sabado, nakasaad ang naging anunsiyo hinggil dito ni DOTr Secretary Arthur Tugade sa kanyang ginawang site inspection sa North Avenue Common Station nitong Huwebes, Marso 3.
Ayon sa ahensiya, nagbunga na rin ang Common Station project matapos ang mahigit 15 taong konstruksyon nito, simula nang aprubahan ito ng National Economic and Development Authority-Investment Coordination Committee (NEDA-ICC) noong Disyembre 2006.
“Notwithstanding the fact that I did not close EDSA to traffic, notwithstanding the fact that I did not suspend or realign the operations of the MRT3, the construction of the Common Station’s building structure will be completed by the end of March,” pahayag ni Tugade.
Target namang simulan ang operasyon nito sa Hulyo 2022, habang iniutos na ng kalihim na gawin ang commencement of operation nito sa mas maagang petsa. Ani Tugade, “without sacrificing quality of work and reasonability of cost.”
“I will henceforth, until my term ends, inspect and make sure that the electromechanical system will also be in place so that this Common Station – a long-time dream of the Filipino people – will come into reality. I hope it can be done during the term of President Mayor Rodrigo Roa Duterte,” sabi pa ni Tugade.
Katuwang dito ng kalihim sina Japan Ambassador to the Philippines Kazuhiko Koshikawa, Japan International Cooperation Agency (JICA) chief representative Eigo Azukizawa, BF Corporation CEO Marides Fernando, iba pang mga transport officials, at mga private sector partners, upang i-check ang progreso ng naturang proyekto.
Ayon sa DOTr, ang Station Building ng Area A ay konektado na ngayon sa Area B o ang Atrium, kung saan 100% nang kumpleto.
“The 13,700-square meter concourse area will interconnect four major railway lines, namely LRT1, MRT3, MRT7, and the Metro Manila Subway Project,” saad ng DOTr.
“Today, we are very pleased to welcome Secretary Tugade. You can see that the status of the [station] building is well on its way and we are rushing; 24/7 work is going on here at the station to complete it as per the Secretary's schedule,” pahayag naman ni Fernando.
Ayon pa sa DOTr, kapag ito ay operational na, ang Common Station ay kayang mag-accommodate ng halos 500,000 pasahero araw-araw.
Comments