ni BRT @News | Feb. 25, 2025
Photo File: Comelec
Sinabi ni Comelec Chairman George Garcia na wala silang magagawa upang pigilan ang mga pulitiko na magsagawa ng "social services" kahit na nasa panahon na ng kampanya.
Ani Garcia, mayroong butas ang batas na nagpapahintulot sa mga kandidato na mamigay ng "ayuda" kahit na nagsimula na ang tatlong buwang kampanya noong Pebrero 11.
"Ang problema sa batas natin sa March 28 pa magsisimula sa prohibition sa mga social services. 'Yun ang loophole ng batas. Nagkakapanya na tayo sa national pero ang prohibition sa social services ay papasok pa lang sa March 28," ani Garcia sa isang panayam.
"Mukhang taliwas pero wala pong magagawa ang Comelec sapagkat iyan po ang batas at sa aming katungkulan ay magpatupad lamang ng batas."
Kaya nais umano niyang magkaroon ng reporma sa election rules kung saan, ilan umano sa mga batas na ipinatutupad ay outdated na.
"Saan ka naman nakakita 2025 na tapos ang ipinapatupad mong batas ay Ominus Election Code ng 1985?" ani Garcia.
"Papaanong makakapagpatupad kami ng epektibo gayu'ng wala pang vote buying noon sa pamamagitan ng GCash, Paymaya at iba pang platform?"
"Kailangan pong may pagbabago sa batas... hindi naman tayo Kongreso. Kung gagawin namin 'yan ay maakusahan naman kami ng ursupation ng kapangyarihan ng ibang ahensya ng pamahalaan," dagdag pa ng opisyal.
Opmerkingen