ni Jasmin Joy Evangelista | October 14, 2021
Nagbabala ang Commission on Elections (COMELEC) sa mga kandidato sa May 2022 elections na tatanggap ng mga campaign donations mula sa ibang bansa.
Ayon kay COMELEC commissioner Rowena Guanzon, mahigpit na ipinagbabawal ang mga kontribusyon mula sa dayuhan at mga foreign corporations.
Ito ay kanyang ipinahayag matapos inilunsad ang isang crowd funding page para sa pagtakbo ni Vice President Leni Robredo sa pagkapangulo.
Aniya, dapat i-report ang mga nasabing mga kontribusyon mula sa dayuhan dahil maaaring masampahan sila ng kaso na magreresulta sa diskwalipikasyon ng isang kandidato.
Kommentare