ni Thea Janica Teh | September 1, 2020
Nabalewala ang punta ng ilang mga magpaparehistro bilang botante sa halalan 2022 sa tanggapan ng Commission on Elections sa Maynila.
Ang dahilan, ang ilan sa mga ito ay hindi umano naabisuhan na may pre-registration pala sa Facebook ng Comelec at ang iba naman ay walang access sa online registration. Bukod pa rito, pinauwi rin ang ilang senior citizen.
Ayon sa mga nagpunta sa Comelec, problema ng ilan ang kawalan ng cellphone at pang-online registration. Marami ang nagreklamo at uminit ang ulo ngunit may ilan ding nasiyahan sa bagong sistema dahil mas pinabilis at safe sa COVID-19.
Pagdating sa tanggapan, kinukuhanan muna ng temperature at pinag-a-alcohol ang sinumang papasok. Bukod pa rito, contactless din ang transaksiyon.
Comments