top of page
Search

Comelec Chair Garcia, pabida lang, ayaw pangalanan 5 senatoriables na pasaway

BULGAR

ni Pablo Hernandez @Prangkahan | Feb. 15, 2025



Prangkahan ni Pablo Hernandez

SABLAY ANG ATAKE NG MGA DDS VLOGGERS KAY FL LIZA, NAGING BIDA PA DAHIL MALACAÑANG PALA ANG NAGPAHULI SA SWINDLER GOBERNATORIAL CANDIDATE -- Sablay ang atake ng mga Duterte Diehard Supporters (DDS) kay First Lady Liza Araneta-Marcos nang iugnay nila ang Unang Ginang sa nahuling swindler na gobernatorial candidate ng Guimaras na si Maggie Cacho, na ayon sa mga DDS vloggers ay pinsan daw ito ng First Lady.


Naging bida pa sa isyung ito si FL Liza, kasi Malacañang pala ang nag-utos sa Philippine National Police na dakpin ang mangraraket na si Maggie Cacho, period!


XXX


NAGPABIDA SI COMELEC CHAIRMAN GARCIA NA 5 SENATORIAL CANDIDATE RAW NOTORYUS SA PAGLABAG SA KAMPANYA PERO AYAW NAMAN SILANG PANGALANAN -- Inanunsyo ni Comelec Chairman George Garcia na limang senatorial candidates daw ang notoryus na violators sa pangangampanya dahil sa paulit-ulit daw na paglabag sa panuntunan hinggil sa tamang sukat ng mga campaign material at paglalagay ng mga ito sa mga lugar na hindi sakop ng common poster’s area.

At nang tanungin ng mga mamamahayag ang pangalan ng limang senatoriables, ayaw naman niyang sabihin.


Mantakin n’yo, nagpabida si Garcia sa pagsasabing may limang senatoriables na notoryus daw sa paglabag sa pangangampanya, pero siya rin pala ang magpoproteksyon sa pagkakakilanlan ng mga ito, kasi nga ayaw naman sabihin ang pangalan ng limang senatorial candidates na notoryus sa paglabag sa Comelec code, pwe!


XXX


DAPAT PANGALANAN NI GARCIA ANG LIMANG SENATORIABLES NA NOTORYUS SA PAGLABAG SA COMELEC RULES PARA ‘DI LAHAT NG SENATORIAL CANDIDATES SUSPEK -- Dapat pangalanan ni Garcia ang limang senatorial candidates na ‘yan na notoryus sa paglabag sa Comelec rules para hindi madamay sa pinagdududahan ng publiko ang mga senatoriable na patas na lumalabas sa kampanya, at walang ginagawang paglabag.


Hangga’t hindi pinapangalanan ni Garcia ang limang senatoriables na notoryus sa paglabag sa pangangampanya, mangyayari riyan, lahat ng senatorial candidates ay suspek sa paglabag sa mga Comelec rules, period!


XXX


NEXT WEEK OIL PRICE HIKE NA NAMAN KAYA BAWI AGAD NG OIL COMPANIES ANG NI-ROLLBACK SA PRESYO NG LANGIS -- Matapos magpairal ng oil price rollback ang Dept. of Energy (DOE) noong Feb. 11, 2025, ay inanunsyo kahapon ng DOE na may magaganap na naman na oil price hike next week.


Kung ganu’n, next week bawi agad ng oil companies ang mga ni-rollback nila sa presyo ng mga produktong petrolyo noong Feb. 11, buset!



Recent Posts

See All

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page