top of page
Search
BULGAR

Comedy Queen, kaya sa chat na lang hiniwalayan… MISTER NI AI AI, NAKABUNTIS NA RAW NG IBANG BABAE SA TATE

ni Julie Bonifacio @Winner | Nov. 17, 2024



Photo: Ai Ai Delas Alas at Gerald Sibayan - Instagram


Pagkatapos makipaghiwalay ni Gerald Sibayan sa misis niyang Comedy Queen na si Ai Ai Delas Alas via chat messages, maugong na pinag-uusapan ng mga netizens ang pagkakaroon nito ng anak sa ibang babae.


Naniniwala ang mga netizens na kaya raw matapang si Gerald sa kanyang desisyon na hiwalayan si Ai Ai ay dahil sa mas malaking responsibilidad na nakaatang sa kanya ngayon.


“Obviously, may nakilala na 'yan na iba o baka may nabuntis na ru'n (USA) kaya madaling araw pa dito nag-text. Hindi na makapag-antay to come clean.”


“Oo nga, eh. Pero naniniwala ako, may karma talaga. If he set out to fool Ai Ai all these years, babalik din sa kanya lahat, sobra pa.”


"The guy was a full-time boy toy. He was too young nu'ng nagpakasal sila. She funded his luho, green card and studies in exchange for his youth. The transaction has ended. May ibang goals na si kuya. Sad but true. Sana, matuto si Ai mamuhay mag-isa.”


If true na may anak na si Gerald sa ibang babae, payo ng mga netizens na maging mabuting ama sa kanyang anak at partner ang mister ni Ai Ai. 


Nagulat naman ang ibang netizens kung bakit napasok sa isyu ni Ai Ai Delas Alas si Kris Aquino.


“S'ya naman uli ang heartbroken ngayon, si Kris naman ang masaya ang love life.”


 “No connection whatsovee (whatsoever.”


“Why compare?”


"Oo nga naman."


 

DUMALO ang konsehal ng Fifth District ng Quezon City at award-winning actress na si Aiko Melendez sa food distribution event ni Manong Chavit Singson para sa Mobile Kitchen in Action kamakailan.


Ginanap ang pa-event ni Manong Chavit sa isang covered court sa Rockville Subdivision Phase 1 sa San Bartolome, Novaliches, QC. 


Napuno ng saya ang mga residente mula sa Brgy. Fairview, North Fairview, Santa Lucia, at mga kalapit na lugar dahil sila ang pinakaunang tumanggap ng Mobile Kitchen feeding program ni Manong Chavit. 


Inorganisa at ipinatupad ni dating Gov. Luis “Chavit” Singson ang community-driven program na naglalayong magbigay ng kinakailangang nutrisyon at suporta sa mga lokal na pamilya.


Malaking kasiyahan naman kay Aiko ang maging bahagi sa pagbabahagi ng tulong ni Manong Chavit sa mga taga-Kyusi.


“Nagpapasalamat ako na pinangunahan ni Manong Chavit Singson itong Mobile Kitchen feeding program. Masaya ang lahat. Literal na busog lusog ang mga mababait at masisipag na taga-Barangay San Bartolome dito sa Quezon City,” ani Aiko.

0 comments

Comentarios


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page