ni Nitz Miralles @Bida | Feb. 24, 2025
Nakakatawa ang TikTok post ni Ai Ai delas Alas tungkol sa asawa at kabit. Ini-repost lang yata niya ito at obvious na nagpapatawa siya.
Natawa nga ang mga followers niya sa Instagram (IG) at ine-encourage siyang mag-post pa ng mga ganito para pampaalis ng stress.
Nakakatawa ang TikTok video kung saan sinasabi kung bakit iniiwan ang mga asawa at bakit may mga kabit.
‘Kaaliw nga ang caption ni Ai Ai na “Hahahaha! nice one TikTok,” pero ang reaksiyon ng mga hindi love si Ai Ai, nega.
Tama na raw ang iyak niya at tumigil na siya sa mga ganitong pagpaparinig. Hayaan na raw niya ang ex-husband niya at ang kabit nito at magpasalamat siya sa patuloy na pagdating ng blessings sa kanya at sa mga blessings na meron siya ngayon.
Marami rin ang nagtanggol kay Ai Ai, dapat daw intindihin ang sitwasyon nito at ang ginawa sa kanya ng asawa. Sa ganitong paraan daw nito inilalabas ang sakit at sama ng loob. Kung ayaw makita si Ai Ai delas Alas, ‘wag bisitahin ang socmed (social media) account nito, na tama naman.
NABUHAY na naman ang isyu kay Mikee Quintos na wala siyang ambag sa thesis dahil nagpapatulong ito sa mga kaibigan, at pati sa mga empleyado at bibisita sa GMA para sa kanyang thesis.
“GMA Employees and Visitors! Please help me. If you see these colored boards by the Timog Ave. Entrance or the main lobby, please spare a few minutes to SCAN and answer a short survey for my thesis. Your time and effort is very much appreciated!
“Shoutout to the admin office for helping me out on this! Salamat, mga Kapuso!” pakiusap ni Mikee.
Sinakyan na rin ni Mikee ang isyu sa kanyang wala siyang ambag sa thesis dahil nakasulat sa dala niyang parang malaking cardboard ang “Ambag Ko ‘To Sa Thesis, Please Scan The QR.”
Totoo naman pala ang sinabi ni Mikee last year na hindi pa siya gumagawa ng thesis at solo silang gumagawa ng thesis sa UST College of Architecture dahil ngayon pa lang siya gagawa ng thesis. Naalala namin, sobra itong na-bash nang umingay ang isyu.
Samantala, siguradong nawala na ang depression ni Mikee ngayong magiging dalawa na ang shows niya sa GMA. Nabanggit nito sa isang interview na inabot siya ng depression dahil matagal siyang walang regular show.
Binigyan siya ng Lutong Bahay (LB) at napapanood naman na kaya niyang maging host. Mapapanood na rin siya sa bagong murder mystery series na Slay kasama sina Gabbi Garcia, Ysabel Ortega, at Julie Anne San Jose.
Mauuna ang streaming ng series sa Viu sa March 3, 2025 na at susunod na ang airing sa GMA-7. Mula ito sa direksiyon ni Rod Marmol.
Comments