ni MC / Clyde Mariano @Sports | August 17, 2024
Tulad ng inaasahan, maagang nagparamdan ang mga Filipino-foreign swimmers sa pangunguna ni Filipino-American Riannah Chantelle Coleman sa pagsisimula ng Philippine Aquatics, Inc. (PAI) 50-meter (long course) National Sports Trials nitong Huwebes sa Teofilo Yldefonso swimming pool sa Malate, Manila.
Nalagpasan ng 15-anyos na si Coleman, isang regular na campaigner sa local swimming circuit, ang 33.98 segundo Southeast Asian Age Group Qualifying Standard Time (QTS) para sa mga batang babae 14-15 50-meter breaststroke sa impresibong 33.96 para makamit ang gold medal. Tinalo ng protegee ni coach Dax Halili sina Krystal Ava David (34.69) at Jamaica Enriquez ng Pangasinan (35.62) sa event na suportado ng Philippine Sports Commission (PSC).
"It feels so amazing because I sacrifice so much for this moment. I woke up at 2am everyday to practice before going to school, there’s so much pressure on me but surprisingly I made it and I am so very happy with the results,” sambit ni Coleman, isang athletic scholar sa government-run National Academy of Sports sa Capas, Tarlac. “I was excited when I saw the name of Ate Kayla (Sanchez) in the starting list. I said to myself, wow I’m going to swim off with the Olympian medalist, but unfortunately her name was scratched at last minute, Sayang!,"panghihinayang ni Coleman sa nasayang na panahong makasabayan niya ang Fil-Canadian Olympian na bahagi ng heat 12 of 13 Finals sa naturang event.
Ayon kay PAI Secretary General Eric Buhain, ang Trials ang gagamitin bilang proseso ng pagpili ng mga miyembro ng National training pool na kakatawan sa bansa sa nakatakdang international competition ngayong taon hanggang sa unang dalawang quarter ng 2025.
Commenti