Coed ng TUP, tumalon mula 4th flr., patay
- BULGAR
- 7 hours ago
- 1 min read
ni Mylene Alfonso @News | Apr. 5, 2025
File Photo: Technological University of the Philippines
Dedo ang isang babaeng estudyante ng Technological Institute of the Philippines (TUP) makaraang lumundag mula sa ikaapat na palapag ng College of Industrial Engineering (CIE) kahapon ng umaga sa Marcelino St. Ermita, Maynila.
Ayon sa ilang estudyante, nangyari umano ang insidente sa pagitan ng alas-9 at alas-10 ng umaga.
Nakasuot pa ng uniporme ang estudyante nang tumalon.
Nangyari ang insidente matapos ang napaulat na bomb threat sa unibersidad sa gusali rin ng CIE.
Hindi naman nagbigay ng pagkakakilanlan ang pamunuan ng TUP sa pangalan ng estudyanteng tumalon.
Patuloy ang imbestigasyon ng Manila Police District (MPD) kaugnay sa motibo ng pagpapakamatay ng biktima.
Comments