by Bulgar Online - @Brand Zone | February 25, 2022
Si Coco Martin, na kilala bilang Cardo Dalisay sa telebisyon ay nag-iikot sa kanyang pag-endorso hindi ng partylist na ka-pangalan ng kanyang drama serye ngunit sa isang bagong Party-list ang AP Partylist #AkoyPilipino ngayong biyernes, Pebrero 25.
“Anuman ang hirap na ating pinagdadaanan, may kakampi na tayo…” sabi ni Martin sa kanyang pagpapakilala ng bagong grupo ng party-list kasama ang first nominee nito na si Rep. Ronnie na makikita ang mga pagtulong na ginagawa sa likuran ng video ng partylist na ngayon ay kumakalat online. Dagdag pa ni Martin, “Ang AP Partylist ang tutulong magbigay ng trabaho at kabuhayan sa mga manggagawang Pilipino.”
Si Rep. Ronnie Ong ay matagal nang kaibigan ni Coco Martin at binansagan ng magasin na PeopleAsia bilang “frontliner Congressman.” Si Ong ay kilala sa mga kakaibang COVID-19 Bayanihan projects nito simula pa nung unang lockdown, tulad ng #LibrengSakay program para sa mga healthworker, ang #LibrengGulay program para sa mga community kitchen, ang #LibrengTablet at mga E-skwela Hub e-learning center para sa mga estudyante at mga guro.
Bago pa man ang pandemya, si Ong ay nagbigay suporta sa mga senior citizen na nais magkaroon ng hanap-buhay sa ilalim ng kanyang programang Tulong Pangkabuhayan na nagtalaga ng mga malalakas pang mga senior sa mga airport, public universities at government agencies. Sa gitna naman ng pandemya ay tinulungan ni Ong ang mga nawalan ng trabaho na mga transport driver ng UV Express at mga FX driver sa pamamagitan ng pag- empleyo sa kanila bilang mga drayber ng kanyang programang #LibrengSakay. Pati na rin ang ilang mga nawalan ng trabaho na mga empleyado ng ABS-CBN ay nabigyan nya ng alternatibong pagkakakitaan bilang mga contact tracer.
Hindi lamang si Coco Martin, ngunit pati na ang all-star cast ng FPJ’s Ang Probinsyano na bumubuo ng “Task Force Agila,” ay nagpahayag na rin ng kanilang pagsuporta sa AP Partylist sa kanila namang mga account sa social media, at ibinahagi nila ang mga adbokasiya ng AP Partylist na sang ayon sila. “Mula po noong umpisa nakasama na namin si Cong. Ronnie, at kita namin na nagtrabaho talaga siya, naglingkod talaga siya. Kaya ngayon, ang #164 AP Partylist na kasama siya ang sinusuportahan na namin. Sana po ay suportahan niyo rin,” sabi ni Coco Martin.
Bukod pa sa video endorsement, ang AP Partylist nakipagtulungan rin sa mga OPM artist na sina Bassilyo, Sisa at Smugglaz sa kanta nilang “Ako’y Pilipino,” isang awit na nagbabahagi ng pagmamalaki, sipag at tiyaga na taglay na mga katangian ng mga Pilipino. Inawit nilang, “Ikaw ay magtiwala, magtiwalang may magagawa. Ito na ang panahon, ang tamang pagkakataon, sa bawat daing mo’y magtutugon. Ako’y Pilipinong lumalaban, tumatapang, lalo kung nasusugatan, anumang pagsubok ang daanan, haharapin nang may kagitingan. Itaas mo ang noo, isigaw mo sa buong mundo, ako’y Pilipino.” Ang dalawang video ay makikita sa Youtube at sa opisyal na social media page ng AP Party-list. https://www.youtube.com/watch?v=FHAqU3Ie-m
Panawagan ni Coco Martin sa mga manonood na samahan siya sa kanyang bagong biyahe kasama ang bagong partylist, “Dito na tayo sa biyaheng aasenso ang lahat ng Pilipino… AP Partylist #AkoyPilipino, number 164 sa balota.”
Maging updated, sa karagdagang impormasyon, bisitahin: www.fb.watch/bnvpau0MFE/
Comments