top of page
Search
BULGAR

Coco, 'di magalaw sa time slot… SERYE NI PIOLO, NAUSOG DAHIL SA PAGPASOK NG KAY ECHO

ni Ambet Nabus @Let's See | August 29, 2024



Showbiz News
Photo: Piolo Pascual at Jericho Rosales / Pamilya Sagrado / Lavender Fields

Hindi na si Papa Piolo Pascual ang ka-back-to-back ni Coco Martin sa primetime ng Kapamilya channel, iuurong na kasi ang time slot ng Pamilya Sagrado (PS) series ni Papa P dahil magsisimula na ang Lavender Fields (LF) nina Jericho Rosales, Janine Gutierrez at Jodi Sta. Maria.


“Ganu’n naman talaga. Aware naman ang bawat production unit na anytime na may bagong series na papasok, may sistemang ‘urungan’ ng oras. Either para mapalakas ang time slot at ma-establish ang series o mas promising ang bagong papasok,” sagot ng aming kausap. 


Basta ang constant lang daw at hindi puwedeng galawin ang oras pagkatapos ng TV Patrol ay ang series ni Coco Martin, bilang ito naman talaga ang ‘flag bearer’ o leader-carrier kumbaga sa primetime ng network. 


Kaya raw sanay na ang mga producers o unit heads na makarinig ng mga order na, “Move, move away o forward,” dahil sa sistemang ganito.


 

Mas pabor naman kay Rosanna Roces ang naturang sistema dahil kahit supporting roles na lang ang kanyang ginagawa sa ngayon, magkaiba naman ang challenge ng trabaho. 


Ayon pa sa beteranang aktres, ‘work is work’ at 'ika nga, mahirap ang tumanggi sa grasya lalo’t noon pa naman niya natanggap na past her prime na siya. 


Bagong salta rin ang character niya sa Batang Quiapo (BQ) na ayon sa aming mga sources ay noon pa pala dapat ginawa ng aktres, pero parang maikli ang role, kaya’t pinaghintay pa siya ng konting oras para sa role niyang si Madonna, ang makakatulong kay Tanggol na yumaman. 


Then, napapanood nga natin siya sa Pamilya Sagrado (PS) bilang nagdurusang nanay na makakalaban nina Papa Piolo. Although mas bet namin ang pagda-drama niya sa huli, sey ng aming source, “Naku, mas binigyan s’ya ng freedom ni Coco sa BQ. Abangan ang pagwawarla ng karakter n’ya.”


 

PARA kay Albie Casiño, kaya hindi siya masyadong ‘sold’ sa ideyang “BL” (boys love) ay dahil never niyang makokonsider na boy o lalaki ang isa o dalawang naeengganyong magkaroon ng romance o sexual relationship. 


“This is just my opinion, ha? My own take as to why I am not much comfortable doing BL series, ‘di ko kasi ma-imagine o ma-convince ang aking sarili na makipag-affair sa kapwa ko lalaki. Either ‘yung isa ay hindi lalaki o pareho sila,” paliwanag ni Albie. 


Although nakagawa na ng ‘bading role’ sa TV at nagbigay pa ng acting award kay Albie, “I have nothing against them or sa community nila. It’s just that the question is about my take on BL roles, which ‘yun nga, ‘di para sa ‘kin.”


Muling mapapanood si Albie Casiño kasama sina Angela Morena, Nathalie Hart, at JC Aguas sa kauna-unahang Vivamax project ni Direk Dado Lomibao na Butas


Yes, nasa Vivamax na rin si Direk Dado na nakilala natin sa mga markado at mga award-winning niyang TV series sa Kapamilya channel. Siya rin ang sumulat ng Butas na ipinagmamalaki niyang ‘challenging’ lalo’t bold and daring ang concept nito.


 

KAUGNAY na tsika pa rin kay Albie, nagpapasalamat ang aktor sa kanyang pagiging ‘fur parent’ dahil mas na-prepare raw siya bilang tatay ngayong hands-on talaga ang role niya sa anak. 


“Siyempre, I have no choice then dahil I have to walk the dog, take care of his food, bathe him, ganu’n, which are the same stuffs that I am doing now for my son. Lalo ngayong aalis uli ang mom ng baby (to USA) at maiiwan sa ‘kin ang bata. 


"Kahit pagod ako o natutulog at nagpapahinga na, once na umiyak na ‘yan, ako talaga ang babangon to look at his need, milk man ‘yan o diapers or what. 

"Masayang maging daddy, totoo talaga ang kasabihan na lahat ng pagod mo, nawawala once na marinig o makita mong naka-smile o tumatawa o umiiyak ang baby,” kuwento pa ni Albie Casiño.


0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page