ni Reggee Bonoan - @Sheet Matters | July 03, 2021
Very vocal na si Julia Montes sa kanyang love life. Ipinagsisigawan na niyang super in love siya. ‘Yun nga lang, nananatiling tikom ang bibig sa pangalan ng taong nagpapaligaya sa kanya.
Pero obvious naman na si Coco Martin ito dahil na rin sa mga ibinigay niyang clues sa panayam sa kanya ng asawa ni Dimples Romana na si Boyet Ahmee sa Lie Detector Extreme challenge na in-upload sa YouTube channel nito noong Pebrero 14, 2021 na umani ng almost 900K views.
Ang tipo ni Julia sa lalaki ay moreno, lalaking naka-leather jacket, sakto lang ang height, makata at probinsiyano.
Bukod pa sa nakitang magkasamang nagbakasyon sa Boracay sina Julia at Coco noong Marso 23, 2021.
At dahil in love nga ang dalaga, kaya sa tanong sa kanya ng writer and vlogger na si G3 San Diego kung sakaling mag-propose na ang lalaking nagpapaligaya sa kanya ay, “Yes, of course! I will not protect it naman if hindi," ang sagot niya.
Aniya pa, “Actually, hindi ko kasi siya sasabihing secret. We just chose this path kasi we both believe na, ‘Ang atin, atin. Pumasok tayo sa trabahong ‘to na magulo, ‘wag na nating paguluhin pati ‘yung atin.’
“There’s nobody. It’s just a personal choice. Personal choice namin ‘yun. And for us kasi talaga, naniniwala kami kapag ano kasing nandiyan, sisirain.
“Kapag hindi kayo, kapag magka-love team kayo, gustong maging kayo. Kapag kayo, pagsisirain kayo. So, might as well, ‘O, ano'ng alam n'yo?’ Okay, kung ano'ng alam n'yo, okay po. ‘Yun na lang.”
Nabanggit pa ng aktres na walang pressure on both sides nila ng taong nagpapasaya sa kanya sa hindi nila pag-amin o pagkukuwento.
In short, okay lang kay Julia kahit para sa ilang netizens, siya ay itinuturing na "girlfriend sa dilim" dahil hindi nga public ang relasyon nila ng BF.
“Siguro kasi, sa buong buhay ko, hindi ako selfish. This time, gusto ko ‘yung akin, akin.
"Growing up, ang dami nang pressure. Pero ‘yung lumaki ka sa children’s show na parang siyempre, lumalaki kaming may mga pressures, gusto ko sa aspeto ng buhay ko na ‘to, walang pressure.
“‘Yung taong involved, ako, ‘yun lang ‘yung, ‘yun lang ‘yung importante, ‘yun lang ‘yung – 'yun lang ‘yung nagma-matter.
“Walang opinions ng ibang tao kasi hindi naman natin lahat mapi-please. And that’s my point of view na parang ‘wag na nating stress-in ‘yung sarili natin sa labas. Ito ‘yung atin, so let’s just be happy and enjoy.
“Siguro, ‘yun pala ‘yung pakiramdam na inaalagaan ka naman. Hindi lang ikaw ‘yung nagbibigay ng love. Meron ka nang nare-receive na love. Mas naging expressive ako.
“Mas expressive ako sa mga bagay na emotions, especially when it comes to the aspect of love, ’yung, ‘I miss you,’ ‘I love you,’ ‘yung hindi na ako nahihiya to take care of somebody.
“Dati kasi, meron pang, ‘Baka isipin naman, masyado akong ano.’ Or sa family ko, minsan –dahil nakalakihan namin na hindi kami sweet, ngayon, mas sweet ako dahil sa love. So, ang laki ng difference.”
Comments