top of page
Search
  • BULGAR

"COCO, ANSWERED PRAYER KO" — JULIA

ni Nitz Miralles @Bida | October 26, 2023




Open na nga si Julia Montes sa kanila ni Coco Martin at sa interview sa kanya ni Bernadette Sembrano para sa vlog nito, nabanggit ng aktres na ‘answered prayer’ sa kanya ang actor.


“Si Coco kasi nu'ng time na lost ako as a person, siya ‘yung nag-guide sa akin. Siya ‘yung answered prayer ko. Na nu'ng mga time na ‘Ano'ng gagawin ko, Lord?' ipinakita niya na siya rin, been through all hardships. Tapos, keep the faith, eh, Nazarene devotee sila ni Lola, so parang na-realize ko na ‘Oo nga 'no?' Basta ‘wag ka lang gi-give-up. Keep the faith. ‘Yun 'yung isa sa mga ipinagpe-pray ko na in-answer ni Lord thru Coco,” sabi ni Julia.


Ayon pa kay Julia, importante sa kanila ni Coco ang privacy, kaya walang masyadong nabalita sa kanila. Inamin din ni Julia na nagseselos siya sa mga nakakapareha ni Coco dahil tao lang siya.


“Pero maturity. Saka work is work. Si Coco naman, sobrang ano 'yan na tao, mabuti, mabait at wala akong masasabi kaya kalma lang,” ayon pa kay Julia.


Suportado rin ni Coco ang career ni Julia. Dito nga sa movie nila ni Alden na Five Breakups and A Romance, nag-promote si Coco at nagpa-block screening pa.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page