top of page
Search
BULGAR

COCO, ABALA SA MGA VENDORS SA QUIAPO, INIREKLAMO

ni Ador V. Saluta @Adore Me! | March 7, 2023



Sa mundong ito ng showbiz industry, kapag wannabe at gustong magpakilala, sumasakay na lang sa isyu ng mga sikat na artista para mapag-usapan.


Gaya ng isang stuntman-vlogger named Rendon Labrador na nag-rant against primetime action star, Coco Martin, at ibinulalas ang hinaing niya sa aktor.


Nagagalit ito kay Coco at sa production ng Batang Quiapo na halos inaaraw-araw daw ang taping sa kapaligiran ng Quiapo, kaya't ang mga vendor doon ay umaalma dahil bumababa ang kanilang kita sa pang-araw-araw.


Galit at matapang na sabi ni Rendon kay Coco, itigil na nito ang kanilang shooting sa Quiapo at bilang director din ng serye, siya ang napagtuunan ng pansin.


“Hindi pa ba tumitigil? Tigas ng mukha mo, Coco Martin. Kailangan pa bang sabihan kita nang dalawang beses?


"Nakakaabala ka na sa mga negosyanteng vendors natin diyan sa Quiapo. Kung hindi mo babayaran lahat ng damages at losses sa paggamit mo ng lugar, umalis-alis ka na diyan.


Para sa PUBLIKO at MAMAMAYANG PILIPINO 'YAN! Ginawa mong pansarili mo lang? Hindi ka batang Quiapo, isa kang “anak ng tokwa.”


Matapang namang binanatan ng vlogger na si Jack Logan ang motivational speaker at social media influencer na si Rendon Labrador matapos nitong tirahin ang Primetime King na si Coco Martin.


Resbak ni Jack kay Rendon, “Hindi ko maintindihan ang lahat ng pagbubunganga nitong si Rendon. Halos lahat na yata ng makita sa social media, gusto niya (pakialaman). Siya pa rin ‘yung sentro ng atensiyon. Wala namang masama sa kritisismo, okay ‘yan, naiintindihan ko ‘yan.


Karapatan ng isang tao, kahit na 'bulateng muscle man' ang nagrereklamo sa mga hindi niya nagugustuhan,” sabi ni Jack Logan.


Oh, at least, kahit 5% lamang, nakilala ng ilang netizens si Rendon na tinatawag ngayong "bulateng muscle man".


Ayon pa kay Jack, nagpi-feeling Tulfo na raw si Rendon.


"So, may nagrereklamo raw kay Rendon na nagpi-feeling Tulfo, na kesyo ‘yung kanilang mga paninda, apektado ng taping ng Batang Quiapo. Napakasimple ng solusyon, pakiusapan nang maayos na kumembot nang konti sa gilid kapag nagsu-shoot, o daanin sa maayos na diskusyon, hindi ‘yung babanatan mo ‘yung tao, tatawagin mo ng kung anu-anong pangalan," pagtatanggol pa nito kay Coco.


0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page