ni ATD - @Sports | December 12, 2020
Sa rami ng championship na napanalunan ni Barangay Ginebra Gin Kings head coach Tim Cone hindi na nito namalayan na nalampasan na pala nito si Robert Jaworski.
Nailista ni Cone ang pang-23rd title nito matapos angkinin ng Gin Kings ang korona sa katatapos na PBA Philippine Cup.
Kahit namiminsla ang coronavirus (COVID-19) ay natuloy ang nasabing conference dahil nagsagawa ang PBA ng bubble at ginanap ang laban sa AUF Sports Gym sa Clark, Pampanga.
Limang titulo ang inambag nito sa Ginebra kaya naungusan nito si dating Ginebra head coach Jaworski.
“I didn’t even know that,” ani Cone nang tanungin siya kung ano ang masasabi nito sa pag-ungos kay Jaworski. “I have no idea that was happening. Wow, what an achievement.”
Naglaro at nag-coach si Jaworski sa Ginebra mula noong 1984 hanggang 1998. Kahit napakarami nang kampeonato ang nasikwat ni Cone ay matamis pa rin ang makatanggap ng karangalan lalo na at naisasama ang kanyang pangalan sa mga legends na sina Jaworski at coach Baby Dalupan na dating hawak ang may pinakamaraming kampeonato sa PBA.
“Just to be mentioned with the greats like Baby Dalupan and Sonny Jaworski, it gives me goosebumps to be mentioned in those names. I’ve been fortunate to have that opportunity. I was fortunate to have relationships with both of them based on coaching. Again, just to be part of that is an amazing experience,” masayang sabi ni Cone.
Inamin ng 62-year-old Cone na masaya siya at naging parte siya ng tagumpay ng Ginebra. “I never would have thought that it would even be here in Ginebra and being around the fans and hearing all the comments and adulation of Sonny Jaworski. Even now, it’s just amazing. He was an amazing," hayag ni Cone.
Nakaraan lamang ay tinalo ng Gin Kings ang TNT Tropang Giga sa game 5 ng kanilang best-of-seven finals upang sikwatin ang pang-13th titulo ng Ginebra.
Muntik nang hindi matuloy ang Philippine Cup ngayong taon dahil sa pamiminsala ng COVID-19, nahinto ang aksyon noong Marso pa.
Ginaya ng PBA ang bubble ng NBA kaya pinayagan na ituloy ng IATF ang naudlot na season, pero may mga inilatag na health protocol panlaban sa coronavirus. Naging mahigpit ang PBA sa pagpapatupad ng safety protocols sa loob ng bubble upang hindi basta makapitan ang players, coaching staffs at officials ng COVID-19.
Comments