top of page
Search
  • BULGAR

Coach Roach, nagsisi sa hindi naganap na Pacman-Spence Fight

ni GA - @Sports | April 30, 2022



Tila pinagsisihan ni world renowned Hall of Fame boxing trainer Freddie Roach na hindi nakalaban ng paboritong bata nitong si Manny “Pacman” Pacquiao si unified IBF/WBC/WBA (super) welterweight champion Errol “Truth” Spence, Jr. at sa halip ay si dating world champion Yordenis “54 Milagros” Ugas.


Hindi pa rin maalis sa isipan ng 62-anyos na pro trainer ang biglaang pagpapalit ng kalaban ng nag-iisang 8th division World champion noong Agosto 21, 2021 sa Vegas sa katauhan ni Ugas sa nalalabing dalawang linggo ng bakbakan matapos umatras si Spence, Jr. matapos operahan sa kanang mata.


Nagresulta sa hindi magandang pangyayari sa karera ni Pacman nang mabigong mabawi ang WBA (super) 147-pound title na natanggal sa kanya matapos ipag-utos ng Panama-based headquarters ang paghubad sa titulo nito dulot umano ng hindi pagdepensa rito kasunod na pagkakapanalo noong Hulyo 20, 2019 laban kay Keith Thurman. Natalo si Pacquiao sa bisa ng 12-round unanimous decision na nakitang dinomina nang husto ng dating 2008 Beijing Olympic bronze medalist mula Cuba. Nagretiro si Pacquiao matapos ang laban kay Ugas.


“I wish we had fought Spence instead of Ugas,” pahayag ni Roach sa panayam ng FightHype.com. “We ended up taking that fight on two days’ notice. There’s no way you can get ready for a big fight on two days’ notice. He has a long reach and a little bit awkward. I wish we would’ve waited for Spence to get healthy.”


Gayunpaman, hindi rin nagtagal ang paghahari ng 35-anyos na Cubano ng pasukuin ni Spence, Jr. sa kanilang unified title fight noong Abril 16 sa Texas sa bisa ng 10th round TKO. Dito nagbukas ang pintuan upang hamunin ni Spence, Jr. ang isa pang undefeated American boxer na si WBO 147-lb titlist Terence “Bud” Crawford na kasalukuyang free agent at walang promoter.


0 comments

תגובות


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page