ni Beth Gelena @Bulgary | Nov. 7, 2024
Photo: Kim Domingo - Instagram
Usap-usapan sa showbiz circle na biktima rin umano si Kim Domingo ng ‘malikot na kamay’ matapos kumalat ang isyu ni Rita Daniela against Archie Alemania na sinampahan na ng huli ng kasong acts of lasciviousness dahil sa sapilitang panghahalik at paghawak sa maseselang bahagi ng kanyang katawan nang isakay siya sa sasakyan nito para ihatid sa kanyang bahay.
“How true ang mga kumakalat na tsika at intrigang isa rin sa mga nakaranas ng 'malikot na kamay' ng kanyang co-star sa isang show ang Kapuso sexy actress na si Kim Domingo?” ayon sa balita.
Wala pang kasiguraduhan kung magpa-file ng complaint ang aktres sa “pamilyadong aktor” who allegedly took advantage of her.
Hindi rin klaro kung saang show ng Kapuso na-experience ni Kim ang alleged harassment, kung kailan nangyari at kung sino ang umabuso sa kanya.
Si Kim Domingo ay nananatili pa rin sa Kapuso management kahit na napapanood siya sa action serye ni Coco Martin na Batang Quiapo.
Simple pero tagos sa puso ang birthday message ni Maine Mendoza sa mister na si Cong. Arjo Atayde para sa 34th birthday nito nu'ng November 5.
“Happy birthday” na may heart emoji, kalakip ang kanilang carousel photos ang ipinost ni Maine sa kanyang Instagram (IG) account.
Maraming netizens na nagmamahal kay Arjo ang nagbigay ng birthday greetings sa award-winning-actor-politician.
Pero bago ang actual birthday ni Arjo ay may post na rin ang Eat…Bulaga! (EB!) host, kung saan tila nag-advance birthday celebration ang mag-asawa.
Makikita sa kanyang IG post na sila ay nagdi-dinner sa isang cozy restaurant. Ang haba nga ng caption ni Menggay.
Aniya, “After the creation of the universe and through various stories, we humans were born. However, we have many contradictions. Our hearts can’t relax even though our life becomes convenient. Also, cities have been improving and developing but the relationship between humans has been heartless. We hope for peace but we can’t take away conflicts. To resolve these contradictions, we have an important thing to do, that is to consider other people and to become a more affectionate person. That is love.”
Komento naman ng mga netizens:
“Happy birthday, Cong! Such a beautiful celebration of a birthday from your lovely wife. You’re the luckiest to have married such a witty and beautiful woman like Maine! God bless you both, always.”
“Happy birthday po! Cute po ‘yung sa left side na nagwe-wave, char!”
“Oh my, what a beautiful concept. And an incredible-looking meal.”
“Honeymoon again?”
“I know this is expensive, but it’s like you enjoying the meals. Lovely couple!!!”
BUMISITA si Iza Calzado bitbit ang anak na si Deia sa house nina Judy Ann Santos dahil inaanak nina Juday at Ryan Agoncillo ang bagets.
Ibinida ng actress sa kanyang Instagram (IG) Stories ang heartwarming video nina Juday at Deia.
Ani Iza sa caption: “Ang ligaya ni #DeiaAmihan sa piling ng kanyang Lola @officialjuday.”
Makikita sa video clip ang one-year-old baby girl na todo-bungisngis kay Juday.
Ini-repost ng Teleserye Queen ang video clip at sinulatan ng heartwarming caption: “Kagigil ka, Deia!!!!”
Comments