top of page
Search
BULGAR

Co-star sa Dos, sinabihang sira ulo… ALESSANDRA, 'DI PABOR NA MAG-SENADOR SI ANGEL

ni Julie Bonifacio - @Winner | July 25, 2020




Tinawanan ni Angel Locsin ang tweet ni Alessandra de Rossi kahapon tungkol sa kanyang saloobin sa nabalitang pagtakbo ni Angel bilang senador sa 2022 election.


Para kay Alessandra, hindi kailangang tumakbo si Angel bilang senador.


"Sabi nila, tatakbo ka raw na senador. (laughing emoji) Nyar, 'di kailangan," simula ng tweet ni Alex (palayaw ng aktres).


Joke pa niya kay Angel, hindi nito kailangang tumakbo dahil isang hero gaya ni Darna at kaya naman daw lumipad.


"Kaya mong lumipad. Nag-iisa kang ganyan. Minsan nadadala ng emosyon. Hello? Obvious ba? Napakalaking puso ang nasa 'yo. Natural 'yun. Tao ka. Sira ulo ka. Mahal kita. Teka? May tribute? @143redangel nakita ko lang. #ccto," kabuuan ng tweet ni Alessandra.


Kasama sa mensaheng ito ni Alessandra sa Twitter niya ay ang series of photos ni Angel na aktong tumutulong sa gitna ng mga kalamidad na dumating sa bansa mula sa bagyong Ondoy, Yolanda, Marawi siege, lindol sa Mindanao, pagputok ng Taal volcano, hanggang ngayon sa covid-19 pandemic ay walang patid ang ginagawang pagtulong ni Angel.


Nag-reply naman si Angel sa tweet ni Alex tungkol sa pagiging real-life hero niya.

Comment ni Angel, "Hahaha! Salamat Alex. Mahal kita!"


Tweet pa ni Alex, gusto niyang batukan minsan si Angel dahil kung saan-saan nagpupunta.


"Gusto ko siyang batukan minsan dahil kung saan-saan nakakarating. Pero 'di siya mapipigilan. Siya 'yan. 'Kairita!"


Ang dami namang nakyutan sa palitan ng pahayag nina Alex at Angel sa Twitter.


Ayun na!

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page