ni Thea Janica Teh | November 10, 2020
Pumanaw na ngayong Martes sa edad na 82 si Ken Spears, isa sa mga co-creators ng tanyag na cartoon na “Scooby-Doo” dahil sa kumplikasyon sa dementia.
Ayon sa anak nitong si Kevin, maaalala ang kanyang tatay sa kanyang story-telling, katapatan sa pamilya at kasipagan sa trabaho.
"Ken has not only made a lasting impression on his family, but he has touched the lives of many as co-creator of ‘Scooby-Doo.’ Ken has been a role model for us throughout his life and he will continue to live on in our hearts," dagdag ni Kevin.
Matatandaang 3 buwan ang nakalipas nang mamatay din ang co-creator nito sa “Scooby-Doo” na si Joe Ruby sa edad na 87.
Bukod sa “Scooby-Doo” na unang ipinalabas noong 1969, nakilala rin sila sa mga sikat na palabas tulad ng “Thundarr na Barbarian,” “Alvin and the Chipmunks” at “Fangface”.
Comments