ni Nitz Miralles @Bida | Nov. 26, 2024
Parang mas real ang friendship nina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion ngayong nagtu-tour sila ng kanilang Dear Heart (DH) concert. Mas organic ang kanilang galawan, mas real ang yakapan, ngitian, tinginan at pagbitaw ng mga salita.
Nang umiyak si Sharon at yakapin ni Gabby, mas real din ang reaksiyon ng mga fans. Hindi na lang sila after sa kilig, ninamnam din ang mga sinabi ng dating mag-asawa.
Mas feel din ang post ni Gabby tungkol sa renewed friendship nila ni Mega, na sana, hindi na masira.
Ani Gabby, “Nagpapasalamat ako sa mga fans namin, sa mga tao na hindi bumitaw at naging possible ‘yung concert tour na ito, that we got closer again, understood each other better and made us both a better person. Then she broke down in tears, that I comforted her with care. Konting humor na I did not have my hanky (panyo), felt something building up from within but she manifested it first. I realized at that very moment, these were ‘tears of joy.’”
Nabanggit ni Gabby na last two shows na lang meron sila ni Sharon at tapos na ang kanilang concert tour. Sabi tuloy ni Sharon, “I will miss singing with you.”
Pero, may concert sila next year dito sa bansa, kaya magkikita pa rin sila. Ang Filipino fans naman ang muling pasasayahin at pakikiligin nina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion.
Nakakatuwa ang sagutan ng mga fans nina Nadine Lustre at Gabby Padilla na magkasama sa 2024 Metro Manila Film Festival (MMFF) entry na Uninvited.
Ini-repost ni Gabby ang solo poster niya na ipinost ng Mentorque Productions for the said movie na nakalagay ang mga awards na natanggap niya.
Ang caption ng post: “Gabby Padilla- a rising star of her generation! What surprises does she have in store for everyone at the party?”
Sagot ng fan ni Gabby, “OH SHE WILL EAT!” na sinagot ng fan ni Nadine ng “Not when Nadine Lustre is around. Nadine holds 2x Famas, Urian, YCC, MMFF, Asia’s Academy. Nadine will be the Best Supporting Actress.”
Sagot uli ng fan ni Gabby, “They can both give award-winning performances in one movie. There’s no such thing as a rule that there should only be one actress or actor who’s doing great, LOL (laugh out loud). Nadine is more likely to be nominated since she'll get more screen time and she’s top billed. Same goes with Aga ang Vilma. However, that won’t stop the rest of the cast, let alone Gabby from delivering a good performance. No need to defend Nadine or something, I’m rooting for her too. I’m just giving Gabby some hype and her followers as a fan of hers.”
Sagot ng fan ni Nadine, parehong nominated sa 2019 FAMAS ang dalawang aktres at si Nadine ang nanalo.
Humaba pa ang sagutan ng dalawang fans na in fairness, parehong may punto. Dahil sa sagutang ‘yun, mas na-excite ang mga fans to watch Uninvited simula sa December 25, sa direction ni Dan Villegas. Ang Project 8 Projects nila ni Direk Antoinette Jadaone ang ka-collab ng Mentorque for the said movie.
Hindi na sa GMA Afternoon Prime ilalagay ang bagong series ni Jillian Ward, elevated na siya na dapat lang naman.
Sa GMA Prime na ilalagay ang My Ilonggo Girl (MIG) na kanyang pagbibidahan. After ng success ng Abot-Kamay na Pangarap (AKNP), na matagal umere sa afternoon time slot, pang-primetime na si Jillian.
Makakasama niya sa MIG si Michael Sager. Hindi lang kami sure kung sino sa kanila ni Yasser Marta ang leading man ni Jillian.
Also in the cast are Lianne Valentin, Empoy, Arlene Muhlach, Arra San Agustin, Teresa Loyzaga, Geo Mhanna, Patricia Ismael, Richard Quan, Andrea del Rosario at marami pang iba.
Wala pang nabanggit kung sino ang director ng bagong series ni Jillian.
Samantala, ang magkaroon ng pelikula ang inire-request ng mga fans ni Jillian sa GMA Network. Panahon na raw para magkaroon ng pelikula ang aktres para hindi masabing sa telebisyon lang siya sikat.
Oo nga naman, may GMA Pictures at GMA Public Affairs na gumagawa ng pelikula o kaya’y gawin na ang movie na pagsasamahan nila ni Sen. Bong Revilla.
Commenti