top of page
Search
BULGAR

Clinical trial sa Ivermectin, sisimulan na — DOST

ni Ronalyn Seminiano Reonico | April 29, 2021



Isinusulong na maisagawa ang clinical trial para sa paggamit ng anti-parasitic drug na Ivermectin sa mga COVID-19 patients simula sa katapusan ng Mayo o sa Hunyo, ayon sa opisyal ng Department of Science and Technology (DOST) ngayong Huwebes.


Ayon kay Executive Director Jaime Montoya ng DOST-Philippine Council for Health Research and Development, ang trial para sa Ivermectin ay posibleng abutin nang 6 na buwan.


Pinag-aaralang gawin ang naturang trial sa Metro Manila at tinatayang aabot sa 1,200 pasyente na may mild at moderate COVID-19 cases ang inaasahang makikipag-participate.


Pahayag ni Montoya, “Based on a review of the Living CPG (Clinical Practice Guidelines) and the recommendation of the World Health Organization, these are the types of patients na insufficient ang evidence for benefit of Ivermectin.”


Ayon din kay Montoya, malaki ang pakinabang ng local trial upang malaman ang epekto ng naturang gamot sa mga Pinoy.


Aniya, “Maaaring ikaw nga ay maraming trial… Pero iba rin po siyempre ‘yung trial na mga Pilipino ang lumalahok.


“Makikita natin paano ba talaga nagre-respond ang Pilipino sa ganyang gamot at ano ba’ng side effects ang nakikita.”


Samantala, pamumunuan naman ni Dr. Aileen Wang ng Philippine General Hospital ang naturang trial.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page