ni MC @Sports | June 22, 2023
Makakasama si Jordan Clarkson sa Gilas Pilipinas sa huling bahagi ng Hulyo para sa pagsabak ng nationals sa pocket tournament sa China sa Agosto, bilang bahagi ng kanilang krusyal na pagsasanay para sa 2023 FIBA World Cup.
Ayon kay Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) president Al Panlilio, pina-finalize na ng federation at kampo ni Clarkson ang schedule at inaasahan na ang Utah Jazz star ay lalaro sa Gilas Pilipinas sa China.
"We're talking to him. Timing lang talaga. I'm not getting the latest updates but the last time Butch Antonio spoke to them, we're gonna be asking him if he can come to join us in the last week of July because we want him to be part of the games in China," saad ni Panlilio kahapon.
Samantala, sa unang pagkakataon ay darayo sa Pilipinas si "Greek Freak" NBA player Giannis Antetokunmpo. Si Giannis ay nagmula sa bansa kung saan nagsimula ang Olympics at mga sinaunang mandirigma.
Isa si Giannis sa ipinagmamalaking maging bahagi ng FIBA at malagay sa world no. 9 ang national team, naging bahagi ng NBA champion at naging back-to-back Most Valuable Player ang 6-foot-9 forward ng Milwaukee Bucks.
Kilala sa NBA sa buong mundo sa katawagang "Greek Freak," unang tatapak sa Pilipinas si Antetokounmpo sa Agosto 25 hanggang Setyembre sa ilalim ng kanyang home team na Greece kagrupo ang United States, New Zealand at Jordan sa Group C ng preliminaries.
Samantala, igagawad na kay Carlos ‘Caloy’ Loyzaga, ang greatest basketball player ng bansa, sa Agosto 23 posthumous FIBA Hall of Fame sa mismong FIBA World Congress sa Sofitel, dalawang araw bago simulan ang 2023 World Cup kung saan co-host din ang Japan at Indonesia.Kilala sa monicker na “Big Difference” noong dekada 50, si Loyzaga ang ika-2 Pinoy sa FIBA Hall of Fame.
Comments