top of page
Search
BULGAR

Clarkson, darating para maglaro sa Gilas FIBA Cup

ni MC @Sports | August 8, 2023



Sa wakas, darating sa bansa si Utah Jazz NBA player Jordan Clarkson para makasama sa paglalaro ang Gilas Pilipinas national team sa FIBA Basketball World Cup 2023.

Umalis ang Filipino-American guard sa Los Angeles, California kahapon at bumiyahe na patungo dito sa Manila.

Hindi nagawang makapaglaro ni Clarkson sa Philippine team sa isang pocket tournament sa China dahil sa isyu ng visa, pero may dalawang linggo pa siyang mage-ensayo kasama ang Gilas bago ang pagsalang nila sa World Cup tips off sa August 25, ayon sa ulat ng ABS-CBN news.

Unang sinabi ni Gilas coach Chot Reyes na tuloy pa rin ang kanilang pag-uusap ng dating NBA Sixth Man of the Year at nakatanggap ng katiyakan na si Clarkson ay nasa “basketball shape” pagdating sa bansa.

“He knows what we want from him, and I think he’s up for the challenge” saad ni Reyes hinggil kay Clarkson sa nakaraang paglabas sa Power and Play ni former PBA commissioner Noli Eala. “The good thing is he’s not coming in cold. He’s been with us before. Obviously, he still has to familiarize himself with some players na ngayon lang niya makakalaro, but like I said, he is a world-class NBA player, so hopefully those concerns can be laid to rest.” saad ni Reyes.

Si Clarkson, 31 ay naglaro sa Pilipinas ng dalawang beses sa FIBA World Cup Asian qualifiers 2022, may average na 25 points, 6.5 assists, at 5.5 rebounds kada game.

Samantala, pakay ng Gilas Pilipinas Women’s Team na makabawi sa 2023 William Jones Cup for Women nang magwagi sa 64-60 kontra Iran noong Linggo sa Heping Basketball Gymnasium.

Bumakas sina Jhazmin Joson at Kacey Quinn dela Rosa ng tig- 12 points para sa Pilipinas, habang dinomina ni Jack Animam ang rebounding department sa 15 na may seven points.


0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page