ni MC @Sports | May 28, 2023
Kung may pagkakataon ay ipipilit na maisama sa Gilas Pilipinas team sina Fil-American star player ng Utah Jazz Jordan Clarkson at Ginebra naturalized player Justin Brownlee para makapaglaro sa nalalapit na FIBA World Cup.
Nais ni PBA chairman Ricky Vargas na makapaglaro ang dalawa para katawanin ang bansa dahil posible pa ring maging bahagi si Clarkson bilang team naturalized player habang si Brownlee naman ay magsisilbing "local" member.
Iyan ay kung papayagan ng FIBA, sa sandaling umapela ang Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) maging sa lagay ng Barangay Ginebra import.
"It's worth a try. Bakit hindi," ani Vargas. "Why does it have to be a choice?" "But the question is, is it possible?"
Nakatuon si Vargas sa special residency rule ng FIBA dahil sa tagal na rin ng paglalaro ni Brownlee sa bansa noong 2016 Governors' Cup sa Barangay Ginebra.
Kamakailan ay ganap nang naging naturalized player si Brownlee at naging malaking parte ng ilang mga pagwawagi ng Gilas kabilang na ang team's gold medal win sa nagdaang 32nd Southeast Asian Games sa Cambodia. "Si Brownlee, pusong atin. Ugaling atin na 'yan. Nakita n'yo naman," ani Vargas.
Kapag nagkataon at sabay na naglaro sina Brownlee at Clarkson ay isa itong malaking tsansa sa kampanya ng Gilas dahil makasasagupa nila ang Italy, Dominican Republic, at Angola sa Group A ng World Cup. "You have a beautiful scenario when you have both," saad ni Vargas.
Samantala, binuksan na ng NBA Philippines noong Biyernes ang unang community court sa bansa sa Reyes Gym sa Mandaluyong City.
Ang NBA Community Court ay may indoor basketball court na magho-host ng basketball programs sa buong taon bilang bahagi ng promosyon Jr. NBA at "Her Time to Play" events sa women's basketball.
Comments