ni MC - @Sports | February 3, 2021
Aprubado na sa PBA ang trade sa pagitan ng Terrafirma at San Miguel kung saan makukuha ng Beermen si star player CJ Perez.
Ayon sa ulat, bilang kapalit ibibigay ng Beermen sa Terrafirma sina Matt Ganuelas-Rosser, Russel Escoto, Gelo Alolino at ang first-round picks na hawak ng SMB sa 2020 at 2022 PBA Rookie Draft.
Hindi sana papayagan ng PBA ang trade deal kung saan sa unang trade draft ay ililipat si CJ Perez sa SMB kapalit ng mga bench player at 2020 first-round pick lamang.
Pero matapos rebisahin ng PBA review commitee ang proposal, dahil marami ang umangal, idinagdag pa ng SMB ang kanilang first-round pick sa 2022 sa package kay naaprubhan na ang trade. Dahil dito, sumapat na ang kapalit na ibinibigay ng SMB sa Terrafirma kaya aprubado na ang paglipat ni CJ Perez sa SMB.
Samantala, pormal nang isinabit ni TNT veteran Harvey Carey ang kanyang basketball shoes matapos maglaro ng 17 taon sa PBA. Kinumpirma ng team ang balita sa statement na inilabas nitong Martes.
Ayon kay PBA Board chair at TNT governor Ricky Vargas, nagpapasalamat sila kay Carey dahil sa pagiging tahimik na sandigan ng lakas sa pagbuo ng kultura ng TNT. "While management regrets losing Harvey, who has been a great teammate, who leads with example and has been part of TNT Tropang Giga since he started his career in the PBA and helped us win championships, we do fully understand and appreciate the motivation of Harvey to stay with his family in the USA," ani Vargas.
تعليقات