ni Madel Moratillo @News | August 17, 2023
Papayagan na ng Commission on Elections (Comelec) ang warrantless o citizens arrest laban sa mga indibidwal na mahuhuling namimili ng boto.
Ayon kay Comelec Chairman George Garcia, ngayon ay papayagan na ito ng poll body.
Patunay aniya itong seryoso ang Comelec sa paglaban sa vote-buying at selling.
Gayunman, binigyang-diin ni Garcia na hindi nila ine-encourage ang publiko na magsagawa ng warrantless arrest.
Bagama't opsyon naman aniya ito batay na rin sa nakasaad sa konstitusyon at pinagtibay ng Korte Suprema.
Idinepensa rin ni Comelec Commissioner Rey Bulay ang warrantless o citizen's arrest dahil kung halimbawa ang krimen ay nangyari sa harapan mo, wala ng panahon para mag-secure ng warrant of arrest.
Comments